At sa bulwagan ng konseho, kung saan si Haring Amar, ay nakaupo sa kanyang luklukan na nasa sentro; kanyang narinig ang pagsigaw ng kawal mula sa labas ng bulwagan, na nagsabing,
“Narito na po ang heneral at ang prinsesa!”
At ang tarangkahan ay binuksan, at ang prinsesa ay lumakad habang nakasunod sa kanya ang heneral, at ito'y huminto sa harapan ng hari, lumuhod at bumati.
“Malugod na pagbati, Kamahalan.”
At ang hari ay napangiti, at kanyang iniutos sa prinsesa,
“Tumayo ka na.”
At ang prinsesa ay tumayo, at sila ng heneral ay kapwa tumingin sa hari, at sinabi ng hari sa heneral,
“Ako'y labis na nagagalak Manus, 'pagkat iningatan mo ang aking magiging manugang na prinsesa.”
Ngunit hindi nakasagot ang heneral sa hari, kung kaya't nagsalita ang prinsesa, na nagsabing,
“Ay opo Kamahalan! Napakabait po ng heneral, hindi niya po ako pinagalitan sa buong paglalakbay namin, hindi niya po ako pinagtaasan ng boses, at lalo namang hindi niya itinali ang aking mga kamay!”
Kung kaya't ang heneral ay napa-ubo dahil sa tinuran ng prinsesa. At ang kanyang puwitan, ay hinawakan ng prinsesa, na nagpalaki sa kanyang mga mata dulot nang matinding pagkagulat.
“Hindi ba heneral, tama ang lahat ng aking tinuran?” tanong ng prinsesa.
“Ughm, nagawa ko na po ang aking tungkulin Kamahalan,” wika ng heneral, “ako'y magpapaalam na.”
At siya'y tumalikod mula sa hari, at tumingin sa prinsesa, at kanyang sinabi rito,
“Makakaganti rin ako sa'yo balang araw.”
“Hahawakan mo rin ang aking puwitan? Sige, basta ikaw, payag ako. Hihintayin ko ang paghihiganti mo heneral.”
At ang heneral ay muling napailing, at siya'y dali-daliang umalis sa bulwagan.
“Kawal!” malakas na pagtawag ng hari.
At ang bantay na kawal ay dali-daliang lumapit at yumukod sa kanyang harapan.
“Ano po ang aking maipaglilingkod, Kamahalan?”
“Ihatid mo ang prinsesa sa kanyang magiging silid,” saad ng hari, at siya'y tumingin sa prinsesa, at kanyang sinabi rito, “Mahal na Prinsesa, 'tiyak kong napagod ka sa inyong naging paglalakbay ng heneral, magpahinga ka muna't mamaya ay ipatatawag kita upang maghapunan kasama ng aking anak.”
At ang prinsesa ay yumukod sa hari, at siya'y sumagot nang,
“Masusunod po Kamahalan, nasasabik na po akong makilala ang Mahal na Prinsipe.”
Samantala, sa silid ni Reyna Mandara, kung saan doo'y pumasok si Heneral Manus, at kanyang nakita ang reyna, na muling pinagmamasdan ang sarili sa harapan ng salamin habang sinusuklay nang banayad ang kanyang buhok.
“Muli mo nanamang pinagmamasdan ang 'yong sarili, Mahal na Reyna,” wika ng heneral habang siya'y lumalapit dito. At kanya itong niyapos mula sa likuran. “Ano't ika'y nakatingin nanaman sa salamin?”
“Ang mga kulubot sa'king mukha, nadaragdagan,” nangangambang saad ng reyna.
At siya'y iniharap ng heneral, at magkabilang balikat niya'y hinawakan nito, at sa kanya'y sinabi,
BINABASA MO ANG
The Great Lakan
Historická literaturaWarning: This novel contains explicit sex scenes! On the night when the blood moon appeared, the Magalos attacked the capital of Maharlika. The war occurred with the birth of the crown prince Lakan, but he was swapped for a baby boy who was a son o...