Samantala, nag-tungo ang isa sa mga kawal na nakalaban ni Malik sa labas ng Kagawaran ng Katarungan sa tanggapan ni Punong Ministro Tehas, at ipinabatid nito sa punong ministrong naka-upo sa sariling luklukan,
“Mahal na Punong Ministro, napag-alaman ng anak ng dating heneral ang kalagayan ni Lakan sa piitan, kaya naman kumuha ito ng lunas upang lunasan ang sugat ng salarin.”
“Papaanong nakapasok ang kawal na 'yon sa Kagawaran ng Katarungan?!?”
“Dahil po kay Koronel Ikarus,” saad ng kawal, kaya naman ang punong ministro ay nakaramdam nang galit.
Sa pagputok ng araw sa Silangan, sa tanggapan ni Punong Ministro Tehas kung saan dumating doon ang koronel na si Ikarus at bumati sa punong ministrong naka-upo sa luklukan.
“Pagbati, punong ministro.”
“Ang kawal ng dating anak ng heneral, bakit mo pinapasok sa Kagawaran ng Katarungan?”
“Sapagkat nais niyang dalawin ang kanyang kaibigan.”
“Walang sinuman ang maaaring dumalaw sa salarin na 'yon! At ang kautusan ay nanggaling sa hari, ano't ito'y iyong sinuway?!?”
“Ako lamang ba ang sumuway sa kautusan? Hindi ba't maging ikaw, punong ministro?”
“Anong ibig mong sabihin?!?”
“Kaninang madaling araw, natanaw ko mula sa halamanan ang pag-punta mo sa Kagawaran ng Katarungan. Hindi mo man ipabatid sa akin, ngunit alam kong si Lakan ang sinadya mo roon. At sa pag-alis mo, natagpuan na lamang itong may paso sa kanyang likuran,” saad ni Ikarus,” “bilang tagapangasiwa ng Kagawaran ng Katarungan, tungkulin kong pangalagaan ang karapatan ng mga bilanggo.”
At iniyukod ni Ikarus ang kanyang ulo bilang pamamaalam sa punong ministro. At siya'y tumalikod at nilisan ang tanggapan.
Nang kinabukasan, sa malaking bulwagan sa labas ng mga gusali, kung saan naroon ang sampung prinsesa, kabilang si Dana, na nangakatayo sa harapan ng haring naka-upo sa luklukan katabi ang kanyang mga ministro. Sinabi ng isa sa mga ministro sa mga prinsesang nangakatayo sa kanilang harapan,
“Binabati ko kayong lahat, sapagkat kayong sampu na narito ang magiging kalahok sa ikalawang pagsubok ng pag-pili sa makaka-isang dibdib ng Mahal na Prinsipe.”
At sa gitna ng pulong, si Prinsipe Soham ay dumating at sinabi sa hari at sa mga ministro,
“Nakapili na 'ko ng aking magiging asawa; hindi n'yo na kailangan pang ituloy ang ikalawang pag-subok.”
BINABASA MO ANG
The Great Lakan
Fiksi SejarahWarning: This novel contains explicit sex scenes! On the night when the blood moon appeared, the Magalos attacked the capital of Maharlika. The war occurred with the birth of the crown prince Lakan, but he was swapped for a baby boy who was a son o...