Samantala, sa Siyudad ng Tangway, kung saan si Datu Gaman, ay bumalik sa kanyang dampa kasama ng kanyang mga kawal. At siya'y nagtanong sa isa sa mga bantay na kawal na naroon. Aniya,
"Nasaan si Adila?"
"Nasa loob po ang Mahal na Prinsesa," saad ng kawal, "Mahal na Datu, may dapat po kayong malaman, ang Mahal na Prinsipe mula sa Kabisera, ay nagtungo rito kanina upang kausapin ang prinsesa."
At ang datu ay dali-daliang pumasok sa loob ng dampa, at sa kanya'y lumapit si Prinsesa Adila. Aniya,
"Malugod na pagbati lolo."
"Kahit na anong pag-iingat ang gawin ko sa ating panahanan, mayroon talagang peste na wawasak nito," saad ng datu.
"Ano pong ibig ninyong sabihin, lolo?" tanong ng prinsesa, na wari kinikilabutan.
At ang kanyang mukha, ay malakas na sinampal ng datu, kung kaya't siya'y napasubsob sa sahig.
"Ikaw ang peste na 'yon Adila," saad ng datu, "papaano mo nagawang pagtaksilan ang 'yong lolo, sa akala mo ba, hindi ko malalaman ang masamang binabalak mo laban sa'kin?!"
"Si Arminus..." wika ng prinsesa.
"Oo, napaamin ko ang taksil na kawal na 'yon."
"Ano ang ginawa mo sa kanya?!"
"Pinatay ko, katulad nang pagpatay na ginawa ko sa kaibigan mo," saad ng datu.
"Napakasama mo lolo!!!" sigaw ng prinsesa, "kinamumuhian kita!!!"
"Kawal!" malakas na pagtawag ng datu, at ang kawal mula sa labas ng dampa, ay pumasok. At siya'y tumindig sa tabi ng datu. "Latiguhin ang prinsesa ng isang daang beses, at ikulong sa kanyang silid!"
"Masusunod po Mahal na Datu," saad ng kawal.
"Napakasama mo talaga lolo!" sigaw ng prinsesa, "magpakasasa na kayo sa mga gintong kinamkam ninyo, sapagkat anumang oras, lulusob na ang hukbong sandatahan ng aking ama upang kayo'y tugisin!"
"Dalhin na ang lapastangang 'yan sa silid-parusahan!" utos ng datu.
At ang prinsesa ay itinayo ng kawal, at ito'y kanyang inilabas upang sa silid-parusahan, ay isagawa ang paglatigo.
At nang kinagabihan, sa Hilagang tuktok ng Bundok ng Kalaya, sa bagong kuta ng mga kadete, kung saan sa labas ng kanilang mga kubol, silang lahat ay nakaupo nang pabilog kasama ng mga kawal. Kanilang napagigitnaan ang nagniningas na apoy mula sa mga punong kahoy, na sa kanila'y nagbibigay ng liwanag. At sinabi ng punong kawal sa kanilang lahat,
"Ipinatawag ko kayong lahat, sapagkat ngayong gabi, magkakaroon tayo ng pagbabahagi ng mga karanasan, mga saloobin, at hinanakit sa isa't isa. Sino sa inyo ang gustong mauna."
At ang mga kadete ay tumingin kay Lakan, kung kaya't sinabi ng punong kawal sa kanya,
"Lakan, ikaw na ang maunang magbahagi."
At sa kanila'y ibinahagi ni Lakan, ang kanyang mga naging karanasan. Aniya,
"Ang tanging kasama ko lamang sa buhay, ay ang aking ama. Mahirap lamang kami, kaya sa murang gulang, natuto na 'kong mangalakal at magtinda upang makatulong sa kanya. Salat man ako sa buhay, ngunit mayaman naman ako sa pagmamahal ng aking ama. Ipinagmamalaki ko, na ako'y anak ni Agilan."
BINABASA MO ANG
The Great Lakan
Historical FictionWarning: This novel contains explicit sex scenes! On the night when the blood moon appeared, the Magalos attacked the capital of Maharlika. The war occurred with the birth of the crown prince Lakan, but he was swapped for a baby boy who was a son o...