ᜃᜊᜈᜆ XXXV

243 8 7
                                    

At namataan ni Lakan ang kanilang pagtakas habang siya'y nakikipagpalitan nang hampas ng talim ng kampilan sa mga kalaban. Upang mapadali ang laban; sila'y kanyang sinipa, at tinagpas ang mga ulo gamit ang kanyang kampilan.

At nang ang mga kalaban niya'y nangagsibulagta; sina Mandara at Gaman, kasama ang mga manlulusob ay kanyang hinabol sakay ng kabayo, ngunit lingid sa kanyang kaalaman, na si Prinsipe Soham ay nakasunod sa kanya sakay din ng isang kabayo.

At nang marating ni Lakan ang kakahuyan sa Hilaga; kanyang hinarangan ng kanyang kabayo ang mga kabayo ng mananambang kung saan nakaangkas sina Mandara at Gaman, kaya't ang mga kabayo nila'y nangagsipaghinto sa harapan ni Lakan.

Lusubin ang kawal na 'yan at paslangin!” utos ni Gaman.

At ang ilang mga kabayo ng mananambang ay sabay-sabay na lumusob sa kanya habang kanilang hawak-hawak ang mga kampilan na pang-tagpas. At ang latigo para sa kabayo, ay mariing hinagupit ni Lakan sa lupa bilang paghahanda. At nang akma siyang tatagpasin ng kampilan ng kanyang mga kalaban; kanyang iwinasiwas ang latigo, kaya't ang latigo'y humagupit sa kanilang mga katawan, na naging sanhi ng kanilang pagkahulog mula sa mga kabayo.

At si Lakan, na nagpupuyos ang galit, ay bumaba mula sa kanyang kabayo, at isa-isa niyang sinaksak ng kampilan sa dibdib ang mga mananambang na nangahulog upang ang mga ito'y tuluyan nang mamatay.

At siya'y tumingin sa dalawa pang natitirang mananambang na lulan ng dalawang kabayong kinaaangkasan nina Mandara at Gaman. At siya'y nagbabala sa kanila, na nagsabing,

Subukan ninyong lumagpas sa kinatitindigan ko; lahat kayo mamamatay!

“Ano ang gagawin natin ama?!?” tanong ni Mandara, na labis ang pagkasindak kay Lakan.

“Hindi ko alam! Ikaw ang matalino 'di ba, bakit hindi ikaw ang mag-isip?!?” saad ni Gaman, na labis ang pangamba sa maaari nilang sapitin sa kamay ni Lakan.

At mula sa likuran ni Lakan, kung saan sa kanya'y may bumihag; at ang kanyang leeg ay tinutukan nito ng punyal, at sa kanya'y sinabi,

“Ibaba mo ang sandata mo.”

At ang tinig na yaon ay nakilala ni Lakan.

“Soham, anong ibig sabihin nito?!?”

“Ibaba mo na lamang ang sandata mo Lakan!” sigaw ni Prinsipe Soham.

Kaya't ang kampilan na hawak-hawak ni Lakan ay kanyang binitiwan, na labis namang ikinatuwa nina Mandara at Gaman.

“Ina! Tuparin mo ang 'yong pangako, sabihin mo ang 'yong mga nalalaman tungkol sa'kin!" sigaw ng prinsipe.

“Hindi ka pa rin nagbabago Soham, isa ka pa ring hangal na prinsipe!” saad ni Mandara.

At sila'y tumakas sakay ng mga kabayo, at hindi na nga nahabol pa.

At nang si Lakan ay pinakawalan ni Prinsipe Soham mula sa pagkakabihag nito sa kanya: ang kawal ay lumingon sa prinsipe, at siya'y binigwasan nito sa mukha, kaya't ang prinsipe ay tumumba't napahiga sa lupa nang nagdurugo ang mga labi.

Taksil ka Soham,” humahangos na wika ni Lakan habang kanyang pinagmamasdan ang prinsipeng nakabulagta sa lupa. “Hindi mo ba naisip na nililinlang ka lamang ni Mandara!”

At siya'y tumalikod, at pinulot sa lupa ang kanyang kampilan, at siya'y lumakad papalayo sa prinsipe.

Sa pagtayo ni Prinsipe Soham; malakas niyang tinawag ang pangalan ni Lakan nang may pagkapoot.

The Great LakanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon