ᜃᜊᜈᜆ XXXVI

291 6 9
                                    

Samantala, sina Datu Agar at Gaman ay kapwa nasa tuktok ng toreng bantayan, na may taas na walong mga braso, habang kanilang pinagmamasdan ang malawak na taniman.

“Ang dating kinatitirikan ng mga dampa, ngayo'y isa nang malawak na taniman,” wika ni Gaman.

“Ito ang Taniman ng Koka, ang katas ng halaman nito'y nagbibigay ng kakaibang lakas sa katawan ng tao. Natuklasan ko ang bisa nito noong ako'y manggagamot pa lamang sa kabisera. Dahil dito, napaunlad ko ang Bayan ng Kaboloan; ang katas ng Halaman ng Koka ay naging tanyag sa mga dayuhang mangangalakal buhat nang ito'y aking ipinakilala sa kanila. Ngunit lingid sa kanilang kaalaman ang ganitong uri ng halaman, kaya't ako lamang ang nag-iisang tagapagtustos ng mga ito sa itim na pamilihan,” saad ni Datu Agar.

“Mahal na Datu, kung iyong mamarapatin; nais kong pamunuan ang Taniman ng Koka,” wika ni Gaman. Dahil sa kanyang hiling, ang datu ay nag-alinlangan. “Huwag mo sanang kalilimutan, na kung hindi dahil sa'kin, ang Kaboloan ay nananatiling nasa pamumuno ni Datu Abukay.”

“Hindi ko nakakalimutan 'yon, Datu Gaman, kaya naman bilang pagtanaw ng aking utang na loob, ang taniman ay akin nang ibinibigay sa'yo,” saad ni Datu Agar.

At si Gaman ay napangisi habang siya'y nakatanaw sa malayong bahagi ng taniman.

Nang kinagabihan, malugod na nagtungo ang isang kawal sa tanggapan ni Haring Amar: sa harapan ng haring nakaupo sa parihabang bangkito, kanyang iniulat habang ang mga tuhod niya'y nakaluhod,

“Kamahalan, maganda pong balita, nagbalik na sina Prinsipe Soham at Lakan.”

At ang hari ay sinamahan ng kawal sa kinaroroonan ng prinsipe at ni Lakan, na kapwa nasa Hilagang Tarangkahan. At nang makita ng hari ang prinsipe, ay kaagad siyang lumapit dito at ito'y mahigpit niyang niyakap.

“Salamat sa mga diwata at walang nangyaring masama sa'yo anak."

At nang kanyang bitiwan ang prinsipe, siya'y nagtanong sa kanila.

“Ano ba ang nangyari sa inyong dalawa, bakit ngayon lamang kayo nagbalik sa palasyo?”

At si Lakan ay sumagot sa hari. Ang sabi,

Sinubukan naming habulin ang mga bilanggo, Kamahalan.”

At si Prinsipe Soham ay sumabat, na nagsabi namang,

“Nabigo kaming tugisin sila. Nang kami ay pabalik na, naligaw kami.”

Nauunawaan ko na ngayon. Nawa'y h'wag nang maulit ang pangyayaring ito, labis akong nag-alala sa inyo.”

Patawad aking ama, kung ika'y aming pinag-alala,” wika ni Prinsipe Soham. At siya'y tuwirang tumingin sa mga mata ng hari. “Ama, maaari ba tayong mag-usap nang tayong dalawa lamang? May nais lamang akong linawin.”

At sa tanggapan ni Haring Amar, sinabi ni Prinsipe Soham habang sila nito'y kapwa nakaupo sa sahig nang magkaharap kung saan kanilang napagigitnaan ang isang latok,

The Great LakanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon