ᜃᜊᜈᜆ XVIII

234 19 4
                                    

At nang kinagabihan, sa tanggapan ng hari, kung saan siya at si Heneral Manus, ay kapwa nag-uusap; sila'y nakaupo sa sahig habang umiinom sa kawan na naglalaman ng pangasi.

“Kamahalan, ano po ang dahilan at ako'y inyong 'pinatawag?” mahinahong tanong ng heneral.

“Bukas sa pagsapit ng bukang-liwayway, nais 'kong tumungo ka sa Bayan ng Pila,” (bayan sa lalawigan ng Laguna) saad ng hari, at kanyang ibinigay ang isang liham kay Manus, na nakasulat sa papiro. Iparating mo ang aking mensahe kay Gobernador Ya-Sin.”

“Kamahalan, kung inyo pong mamarapatin, maaari ko po bang malaman ang nilalaman ng liham?”

“Ang liham ay nagsasaad ng pag-aanyaya, na ipakasal ang kanyang anak na prinsesa sa'king anak kapalit ng isang milyong piraso ng ginto. Nais kong sunduin mo ang prinsesa bukas na bukas din upang sila'y magkakilala na ng aking anak.”

Biglaan naman po yata ang pagpapakasal ng Mahal na Prinsipe, Kamahalan?”

Matanda na 'ko Manus, anumang oras ay maaari akong mamatay. Kinakailangan nang mag-asawa ang prinsipe sa lalong madaling panahon, upang siya na ang maging hari ng bayang ito,” saad ng hari, na labis namang ikinagulat ni Manus.

“Ang ibig n'yong sabihin, bababa na kayo sa inyong tungkulin sa oras na ikasal ang Mahal na Prinsipe?” 

“Oo Manus, ibibigay ko na sa'king anak ang aking trono,” saad ng hari.

At sinabi ng heneral sa kanyang isipan,

“Walang karapatang maging hari ang isang huwad.”

Samantala, sa silid ni Prinsipe Soham, kung saan siya'y nahihirapan sa kanyang pagtayo mula sa pagkakahiga sa kanyang kama dulot ng labis na pag-eehersisyo.

“Haayy ang sakit ng buong katawan ko,” wika nito, at siya'y tumingin sa pinto ng kanyang silid at tumawag. “May kawal ba diyan?!”

At pumasok ang isang kawal sa pintuan at bumati sa prinsipe.

“Pagbati Mahal na Prinsipe, ano po ang aking maipaglilingkod sa inyo?”

At ang kawal na yaon ay tinignan ng prinsipe mula ulo hanggang paa, at ito'y hindi niya natipuhan.

“Wala na bang ibang kawal sa labas?”

Ughm, meron pa po akong isang kasama sa labas. Dalawa po kaming nagbabantay.”

Tawagin mo.”

“Masusunod po, Mahal na Prinsipe,” saad ng kawal, at siya'y lumabas mula sa silid ng prinsipe, at kanyang tinawag ang kanyang kasama.

At sa pagpasok ng kawal na yaon sa pintuan ng silid, ay agad siyang natipuhan ng prinsipe dahil sa angking kakisigan nito.

“'Yan! Ganyang itsura ang aking hinahanap,” nagagalak na wika nito.

“Ano po ang aking maipaglilingkod, Mahal na Prinsipe?”

“Halika, lumapit ka sa'kin, at ako'y masahihin mo.”

“M-m-masusunod po, Mahal na Prinsipe.”

At ang prinsipe ay nagtanggal ng kanyang kasuutang pang-itaas, at siya'y dumapa sa higaan, at kanyang iniutos sa kawal,

“Kunin mo ang langis sa ibabaw ng hapag, at pahiran mo no'n ang aking likod.”

The Great LakanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon