Samantala, sa tanggapan ni Punong Ministro Tehas, kung saan sila ng kawal ay kapwa nag-uusap habang sila'y kapwa nakaupo sa sahig nang magkaharap.
“Ikarus, anong balita sa paghahanap ninyo sa manloloob?” tanong ng punong ministro.
At sa latok na nasa kanilang harapan; inilagay ng kawal na si Ikarus ang larawan ni Agilan na iginuhit sa papiro. At ang larawan ay pinagmasdan ng punong ministro.
“Punong ministro, binago ang wangis ng manloloob, kaya't walang tao sa pamilihan ang makapag-turo dito.”
“'Tiyak 'kong siya ang may gawa nito. Malakas ang kutob ko, malapit lang sa pamilihan ang lungga na kanyang pinagtataguan. Tawagin mo ang taga-guhit, pagkatapos niyang baguhin ang larawan, muli kong ipahahanap ang taong ito. Hindi matatapos ang gabing ito nang hindi ko siya napapaslang.”
“Masusunod, punong ministro!”
Samantala, sa Kagawaran ng Katarungan, kung saan ipinasok ni Lakan ang kanyang kamag-aral na si Tupas sa madilim na piitan niyaon. At ang kanyang kamag-aral ay nagmakaawa sa kanya, na nagsabing,
“Lakan maawa ka sa'kin, palabasin mo na 'ko rito. Ipinapangako 'kong hindi ko na muling gagawin sa'yo ang bagay na 'yon!”
“Kung ang 'yong talino'y itinuon mo na lamang sa pag-aaral at hindi ginamit sa kasamaan, disin sana'y narito ka, nagmamakaawa sa'king harapan,” saad ni Lakan.
At dumating doon ang isa pang kawal, at sinabi nito kay Lakan,
“Lakan, ipinatatawag tayo ng heneral sa bulwagan sa Kagawaran ng Digmaan.”
Matapos itungó ni Lakan ang kanyang ulo sa kasamahan bilang pag-sang-ayon; sila'y kapwa lumabas sa Kagawaran ng Katarungan habang si Tupas, na naka-piit doo'y patuloy na tumatawag sa pangalan ni Lakan.
At sa Kagawaran ng Digmaan, sa malaking bulwagan niyaon, kung saan naroon ang mga kawal, nangakahilera sa harapan ni Heneral Manus habang sila'y nangakatindig nang tuwid. Ang sabi sa kanila ng heneral,
“Bukas na ang kaarawan ng ating Mahal na Hari: maraming mga panauhin mula sa iba't ibang lugar ang mangagsisiparito upang magbigay ng handog sa hari. Nais kong maging mapagmatyag ang lahat sa sinumang panauhin na dadalo lalo pa't malayang kumikilos sa labas ang ating mga kaaway. Ang sinumang kahina-hinala sa mga panauhin, inyong hulihin at dalhin sa akin. Malinaw?!”
At ang lahat ng mga kawal ay sabay-sabay na nagsabing,
“Malinaw po heneral!”
Samantala, sa silid na kinaroroonan ni Mandara, kung saan siya'y nakaupo sa harapan ng isang salaming hugis bilohaba habang kanyang pinagmamasdan ang kanyang sarili doon nang may pagkabalisa. At si Gaman ay pumasok sa kanyang silid, at ito'y tumindig sa kanyang likuran, at sinabing,
“Ano ang bumabagabag sa'yong isipan anak?”
“Napakalayo ko na sa dating ako ama. Ang dating maginoo at reyna ng bayan, ngayo'y isa nang bilanggo ng lipunan,” saad ni Mandara habang siya'y lumuluha.
BINABASA MO ANG
The Great Lakan
Narrativa StoricaWarning: This novel contains explicit sex scenes! On the night when the blood moon appeared, the Magalos attacked the capital of Maharlika. The war occurred with the birth of the crown prince Lakan, but he was swapped for a baby boy who was a son o...