At nang sa pagbalik ni Prinsipe Soham sa palasyo, ay kinausap siya ng kanyang amang hari sa tanggapan nito.
“Nag-iwan ng sulat ang 'yong kapatid,” wika ng hari habang siya'y nakaupo sa sahig. At kanyang kinuha ang isang papiro na nasa ibabaw ng latok. “Ayon dito, nais na mapag-isa ng 'yong kapatid, kaya siya umalis ng palasyo. Alam mo ba kung sa'n siya nagtungo?”
“Nagtungo siya kay Datu Gaman,” saad ng prinsipe habang siya'y nakaupo sa harapan ng kanyang ama. “Nagsabi siya sa'kin, na maninirahan siya ro'n ng ilang araw.”
“Hindi maaari, papaano ang kanyang mga aralin?” wika ng hari, “agad ko s'yang ipasusundo sa mga kawal.”
“Ama!” malakas na tinig ni Prinsipe Soham. “Hayaan na po muna natin ang aking kapatid, pakiusap.”
“Ano ang kanyang dahilan?! Hindi naman siya aalis ng palasyo nang walang dahilan!”
“Huminahon po kayo ama, ako ang dahilan kung bakit umalis ang prinsesa.”
“Anong ibig mong sabihin?”
“Nag-away kami dahil sa larong mankala. Nahuli niya 'kong nandadaya, ngunit nagmatigas akong hindi ibalik ang kanyang pusta, kaya sumama ang loob niya sa'kin,” saad ng prinsipe.
At matapos magbuntong-hininga ng hari, ay kanyang sinabi sa prinsipe,
“Nais kong humingi ka ng tawad sa'yong kapatid!”
“Gagawin ko po ama, sa ngayon, hayaan na muna natin siya sa pangangalaga ng datu,” saad ng prinsipe, “babalik na po ako sa'king silid.”
At siya'y tumayo mula sa pagkakaupo, at sa kanyang pagtalikod mula sa hari, ay nakita ng hari ang bakas ng dugo mula sa likuran ng kanyang mahabang salawal.
“Sandali,” wika ng hari, at humarap ang prinsipe dito.
“Ano po 'yon ama?”
“Bakit may bakas ng dugo ang 'yong salawal na nasa bandang puwitan?!”
At dahil sa tanong ng hari, labis na kinabahan ang prinsipe.
Tumayo ang hari mula sa kanyang kinauupuan, at siya'y lumapit sa prinsipe; kanyang tinignan ang likuran nito, at muli niyang nakita ang bakas ng dugo na nasa salawal nito. Siya'y nag-aalalang humarap sa prinsipe at nagtanong.
“Ano ang nangyari sa'yo?!? Bakit may dugo ang 'yong salawal?!?”
Sa takot ng prinsipe ay napalunok siya, at nagsimulang pagpawisan.
“W-wala po ito ama...”
“Kawal!” sigaw ng hari, at ang isang kawal mula sa labas ng tanggapan ay pumasok, at lumuhod sa kanilang harapan.
“Kamahalan...”
“Ipatawag mo ang aking manggagamot!”
“Opo!”
At ang kawal ay dali-daliang lumabas mula sa tanggapan.
“Ama! Sinabi ko na sa inyo, wala lang ito.”
“Tumigil ka!” sigaw ng hari, kung kaya't ang prinsipe ay natigilan.
Makalipas ang ilang sandali, ang matandang lalaking manggagamot ng hari ay lumabas mula sa silid ng prinsipe, at siya'y nagtungo sa tanggapan ng hari.
BINABASA MO ANG
The Great Lakan
Fiksi SejarahWarning: This novel contains explicit sex scenes! On the night when the blood moon appeared, the Magalos attacked the capital of Maharlika. The war occurred with the birth of the crown prince Lakan, but he was swapped for a baby boy who was a son o...