Matapos ang naganap na pulong sa bulwagan ng konseho, ay palihim na nag-usap sina Prinsesa Mandara at Punong Ministro Tehas sa loob ng palankwin ng prinsesa.
"Punong ministro, nagawa mo ba ang 'pinaguutos ko, napaslang mo ba ang sanggol na prinsipe?" tanong ng prinsesa.
"Oo mahal kong prinsesa," sagot ng punong ministro sa prinsesa na tila ba'y hindi naniniwala sa kanyang tinuran.
"Kung gayon, nasa'n ang katawan ng sanggol na prinsipe?"
"Inilibing ko ang katawan ng sanggol na prinsipe sa kakahuyan; upang walang sinoman ang makakita rito... Mahal kong prinsesa, maaari bang, ako naman ang magtanong, sino ang sanggol na buhat-buhat ng alipin ng hari sa bulwagan ng konseho? Sinasabing, ito raw ang itinakdang prinsipe."
"Ako ang nagdala sa kanya sa hari."
"Ito ba ang balak na sinasabi mo sa'kin? Sabihin mo, sino ang sanggol na 'yon?"
"Habang naglalakbay kami patungo rito sa kabisera, dumaan kami sa isang panuluyang dampa upang mangapagpahinga ang aking mga kawal. Sa tahanan na yaon, mayroong isang naninirahang aliping may anak na lalaki; ibinigay n'ya sa'kin ang kanyang anak, sa kadahilanang, hindi n'ya 'to kayang buhayin. At ang katha-kathang pagliligtas ko sa huwad na prinsipe, ang magiging daan ko, upang mailuklok ako, bilang bagong reyna ng Maharlika," saad ng prinsesa, na may ngiti sa kanyang mga labi.
Kasabay ng pagsapit ng bukang liwayway at pagsikat ng araw, ay ang pagsunog sa mga labi ni Reyna Sahana sa malaking bulwagan na nasa labas ng palasyo. At si Haring Amar, kasama ng kanyang mga ministro at hukbong sandatahan, ay mga nangakatayo sa harapan nang nagniningas na ataul na kinalalagyan ng reyna.
Sila ay mga nangakasuot ng puting balabal: tanda nang mayroong pumanaw na maginoo, at simbolo ng pagluluksa. At lingid sa kaalaman ng lahat, ang pag-ngiti ni Punong Ministro Tehas habang ang lahat ay nagluluksa sa pagpanaw ng reyna.
Samantala, sa pamilihan ng Kiapo, (Pinakamalaking pamilihan sa kabisera, Quiapo sa kasalukuyan) ay ipinahayag ng hari sa mga mamamayan ang pagpanaw ng Mahal na Reyna: ito ay sa pamamagitan ng isang mensahe na nangakasulat sa mga papiro (Isang uri ng papel noong unang panahon) sa iskriptong baybayin. At ang naging usap-usapan ng mga manininda roon,
"T-totoo ba ang balitang ito? P-patay na ang Mahal na Reyna?!"
"Ang mismong hari ang nagpahayag ng balitang 'yan, kaya malamang totoo kung ano ang nakasaad d'yan!"
"Ang sabi ng mga kawal, mga manlulusob daw ang pumaslang sa reyna, narinig ko lamang ang balitang 'yon kagabi nung mapadaan ako sa palasyo."
"Haayy, kaawa-awang reyna, sino na kaya ang papalit sa kanya 'no?"
At sa baybayin ng Maynilad kung saan isinaboy ni Haring Amar ang abo ng kanyang asawang reyna sa dagat, na nangakalagay sa isang magandang sisidlan, at kanyang iwinika,
"Hanggang sa muli nating pagkikita, mahal kong reyna."
Lumipas pa ang ilang oras, nilapitan ni Manus ang tumatangis na hari, at kanyang sinabi rito,
"Kamahalan, palubog na po ang araw, kung inyo pong nais, ay ihahatid ko na kayo sa inyong palankwin."
"Pagmasdan mo ang karagatan, napakapayapa. Nawa'y ang kalag (kaluluwa) ng mahal kong reyna, ay maging payapa tulad ng sa dagat."
BINABASA MO ANG
The Great Lakan
Tarihi KurguWarning: This novel contains explicit sex scenes! On the night when the blood moon appeared, the Magalos attacked the capital of Maharlika. The war occurred with the birth of the crown prince Lakan, but he was swapped for a baby boy who was a son o...