Hi Ms. Akuma readers! Finally po POV na po ni Terence Blank, pinsan ni Kendrich XD waaah! Sana magustuhan niyo po ang first POV niya XD
-
(Terence's POV)
Nandito ako sa aking veranda at tinitignan ang maliwanag na buwan.
Knock knock knock..
"Tuloy" sabi ko
Pumasok ang pinagkakatiwalaan kong alalay, si Samuel.
"Napakaganda ng buwan ngayong gabi Master Terence *bow*"
"Batid ko...Ano ang kailangan mo?"
"Meron na pong kabiyak ang pinsan niyong si Kendrich *tayo*"
"Hmmm,talaga? Hahahaha!"
"Totoo po Master. Ang balita pa nga po ay tao siya noon...""Hahahaha! Lampa na nga lang si Kendrich! Pumili pa siya ng isang lampa! Dadami ang lahi nila tsk tsk tsk!"
"Iyon lang po ang sasabihin ko..."Bago umalis si Samuel.....
"Samuel, nais kong makita ang kabiyak ng mahal pinsan kong pinsan... Tara na"
"Masusunod po"Ginamit namin ang itim kong karwahe... Hindi na ako makapaghintay na masilayan ang sinasabi nilang kabiyak ni Kendrich. Hahahahaha!
Nasa loob kami ng karwahe ni Samuel.
"Master Terence. Sigurado po kayo na nais niyo siyang makita? Baka mahuli kayo ng pinsan niyo?"
Sabi ni Samuel
"Kaya ko naman itago ang lakas ko at hindi nila ito mararamdaman... Sa malayo ko naman titignan hindi sa malapit."
.
.
.
.
.
.At sa wakas malapit na kami...
"Itigil ang karwahe" ma-otoridad kong sinabi at agad namang tumigil
"Dito na ako"
"Maglalakad pa kayo ng 15 hakbang"
"Ayos lang Samuel. Hintayin niyo ako dito.."
"Sasama po ako"
"Tahimik Samuel! Hindi ko hinihingi ang tulong mo ngayon"
"Patawad Master Terence *bow*"
"Pinapatawad na kita. Gawin niyo ang inutos ko. Dito lang kayo at hintayin ang aking pagbalik" sabi ko bago umalis
Kalmado akong naglakad at tumalon sa bakod nila. Tahimik akong lumapag sabay ayos sa kwelyo ko. Nagikot ako at minsan patingin-tingin sa taas. Habang naglalakad naramdaman kong may papalapit kaya umakyat ako sa puno.
"Isa lang palang guwardiya tsss! Haha...!!!! Huh?"
Kung sinuswerte ka nga naman! May nasilayan akong babae na nakadungaw sa bintana. Bumaba ako sa puno at wala na rin yung guwardiya. Marahan akong umakyat at nagtago sa puno na medyo malapit sa babaeng nakadungaw.
"Ito siguro ang kabiyak ng pinsan ko hahaha!"
Tinitigan ko ito.... Nabigla ako!
"Napakaganda naman niya. Hindi ko inexpect na ganito siya kaganda. Napakabalingkinitan at napakakinis niya"
Hindi ko mapigilang maglabas ng nakakapanlokong ngiti habang tinitignan siya.
"Mapapadali na lang ang gawain ko *licks his lips* mapapasaakin ka din binibini. Mapapasakamay din kita at ang Black Blood Crest."
Mula dito tinititigan ko siya sa mata. Nakakapang-akit... And her lips are red as blood
Fresh from a victim... Nararamdaman ko ang pangil ko na lumalabas na..."Victoria!!"
Sino si Victoria? Siya ba iyon? Bigla na lang siya tumingin sa likod niya at parang may tinitignan.. Lumipat ako sa ibang pwesto ng puno para makita ang nangyayari.
"Si Kendrich? Kausap niya yung binibini. Siya nga si Victoria..."
Hinawi ni Kendrich ang buhok ni Victoria sabay kalawit ito sa tenga niya. Iniwas ni Victoria ang mukha niya pagkatapos.
"Grrrrrrr...."
sa galit ko nakalmot ng matatalas kong kuko ang kahoy na pinaghahawakan ko."Hahahahaha! Wala Kendrich! Mapapasaakin yang si Victoria mapapasaakin siya!"
Sa pang gigigil ko napapayakap ako sa braso ko paakyat sa leeg ko. Hahahaha! Victoria...Victoria... Hmmm,napaka gandang pangalan para sa napaka gandang binibini.
"Hindi pa ito ang huli nating pagkikita Victoria...Lalo na sa iyo Kendrich..."
Bago ako umalis nagpalipad ako ng dahon ng mabilis patungo sa kay Victoria dahilan para mahiwa siya sa pisngi.
"Aray! Ang pisngi ko"
Napakaganda niya pa rin kahit nagulat at nasaktan na siya.
"Mapapasaakin ka din...." pagkatapos niyon ay bumaba na ako sa puno at bumalik sa karwahe ko.
.
.
.
.
"Master,kamusta ang paghahanap niyo?" Samuel
"Maganda,Masaya.. Nakakabighani din.. Hahaha"
"Wag niyo pong sabihin at nahulog---"
"Oo nahulog ang loob ko sa kabiyak ng pinsan ko. Siya si Victoria. Napakaganda niya... Hahaha!"
Hindi ko na naman mapigilang ngumiti ng nakakapanloko.
"Nandito lang po ako Master Terence para tulungan ka"
"Alam ko Samuel. Salamat *smirk*"To be continued...
Ok! Tapos na ang chapter na ito XD. Sana nagustuhan niyo ^^. Halata naman na naging obssesed agad si Terence kay Victoria. (kahit na hindi naman halata-.-v) so paano na yan Kendrich? Kakayanin ba?
By the way,Samuel on the media! Si Yoon Doojoon,masyado atang sekziing vampire hehehe. Hindi pala siya gay or anything ha? Sadyang strawberry loyal lang siya kay Terence. ^_^
BINABASA MO ANG
Ms. Akuma
VampireWarm to Cold.. Sudden changes of personality.. Normal life to Dangered life.. Human to Vampire.. How did it all happen?? Do you want to know? Then read this story of action,romance and supernatural