Blood 20

401 20 2
                                    

(Victoria's POV)

Kumakain kami ngayon. Kaharap ko sa mesa si Kendrich,katabi niya si Commander Willard. Siyempre katabi ko si lord Kendrich.

"Pakiabot nga yung karne." sabi ni Commander at agad namang inabot ni Kendrich.

"Pati nga din yung steamed duck." dagdag niya na agad ding inabot ni Kendrich.

Grabe ang takaw niya. Marami pang laman yung plato niya pero kuha siya ng kuha. Tapos kapag sumusubo siya ay dire-diretso parang hindi lumulunok!

"Willard,hindi ka pa ba babalik sa mahabang tulog mo?" tanong ni lord Leonel. Patuloy pa rin kami sa pagkain at nakikinig din.

"Hindi muna,at nararamdaman kong hindi pa iyon ang huling malaking laban na mangyayari. Meron pa at malapit na." sabi niya ng nakangiti sabay subo ng pagkain.

Nabilaukan si Kendrich dahil sa sinabi ni Commander.

"T-tubig!" sigaw ko. Napasapo sa mukha si Commander dahil sa nangyayari kay Kendrich. Pumitik siya ng isang beses at gumalaw magisa yung pitcher na may tubig at nagbuhos sa baso ni Kendrich.

"*drink* wah~ thanks Commander."

"Walang ano man.."

Sa totoo lang, si Kendrich at si lord Leonel ay nakausap na dito ni Commander Willard,ako na lang hindi =_=. Pinakain ko na lang si Cheese.

"Cheese, kain ka na." naglapag ako ng maliit na piraso ng karne sa tabi niya.

"Kakaiba,isang daga kumakain ng karne?"

Cheese be like: oh no! Delikado baka mabuking! *starting to sweat*

"Ah kas--" hindi natapos sasabihin ko.

"Baka ibang klase ng daga. Pero mukhang albino rat naman siya."

"Oo albino rat siya per--"

"Hmm,baka nahaluan ng ibang kind ng daga. Crossbreed? Ay oo pwede!"

"Ay tam--'

"Tama ako!"

=___=* okay hindi niya ako pinapatapos ha!

Willard be like: Sabi ko sa iyo eh ayaw kong makipagkaibigan sa mga tao eh *smirk, left eye spark*

"Mabuti at nasagot mo sarili mong tanong tssss!" bulong ko

Pagtingin ko patuloy lang sa pagkain si Commander Willard.

"Hayaan mo siya Cheese basta cute ka sa paningin ko."

Cheese: o///o

Pagkatapos naming kumain, nagkaroon kami ng sari-sariling mundo. Si Kendrich nagbabasa ng books,ulit! Si lord Leonel nasa throne room binabasa yung big book of rules, father like son..Si Commander naman hinahasa ang battle ax niya.

Ako, ito palakad-lakad dala si Cheese. Ayaw ko naman lumabas, baka makita ko si Terence.

"Ugh~ si Kendrich na lang pupuntahan ko. Sigurado akong titigil iyon sa ginagawa niya pagkinausap ko."

Nakita ko si Kendrich sa library,nakaupo malapit sa bintana.

"Hi Kendrich!"

Napalingon siya at sinara ang librong hawak niya.

"Hello Victoria. May kailangan ka?"

"Uhm,wala naman...Pero nabobored na ako. Walang makausap eh. Pwede ka ba?"

"Sure!"

Kumuha ako ng chair at lumapit sa kaniya.

"So,anong topic? Hmmm.."

Ms. AkumaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon