Blood 19

444 25 5
                                    

(Victoria's POV)

Nasa sala kami ngayon. Kasama ko si Kendrich,Commander at si lord Leonel.

"Sige na,ako na maglinis ng dugong nakadikit diyan sa braso at mukha mo." sabi sa akin ni Kendrich

"Hindi na.. Ako na." tapos kinuha ko yung pamunas sa kaniya at nagsimula na akong punasin ang dugo sa mukha ko at leeg.

Yung tinawag niyang commander. Sino ba siya?

"Kendrich sino siya?" tanong ko
"Siya si-" naudlot ang pagsagot ni Kendrich.
"Willard.. Willard Hayl."
Willard?

"Ahaha! Oo,siya si Willard." sabi ni Kendrich
"He is the Commander of our army. Siya ang namumuno at naguutos kung anong gagawin kapag may malaking giyera o labanan ang nangyari." sabi naman ni lord Leonel.
Nilingon ko si Willard.. Kasalukuyan niyang nililinis ang battle ax niya na puno ng dugo.

"Grabe! Matagal din ang 20 taon na matulog nang dire-diretso! Hahaha! Kendrich!"
"O?"
"Nung huli kitang nakita...parang.."
"Parang?"
"Ang pangit mo.. Ngayon sobrang..pangit na! Ahahahahahaha!"

Nagulat ako sa sinabi niya. Noong nasa labanan kami napaka seryoso ng expression ng mukha niya pati nung niligtas niya ako. Kulay berde pa ang mga mata niya kanina ngayon ay itim na. Ngayon, kung makatawa siya ay hindi mo aakalain na commander pala siya ng mga kawal at seryoso pala ang trabaho niya.

"Sumusobra ka na COMMANDER Willard ah! Waaah!" biglang tumayo si Kendrich at ginulo-gulo ang buhok ni Commander.

"Ah ganoon! Di ako papatalo sa iyo pangit!!" sigaw ni Commander Willard at tinulak si Kendrich sa sahig at sinuntok-suntok ng magaan.

"Tama na yan!" sabi ni lord Leonel
"Ano ba iyan Leonel! Hanggang ngayon kill joy ka pa rin!" sabi ni Commander. Tumaas ang isang kilay ni lord Leonel.

"Anong kill joy?"
"Ahahaha! Iyong masyadong seryoso ayaw makipagbiruan."
"Hindi kaya ako ganoon!"
"Oo ganoon ka! Hahaha!"
"Hindi nga sabi =_=" tapos naghagis ng isang tinidor si lord Leonel kay Commander. Agad naman itong nakaiwas.

"Ohoh! Saan galing iyon? Ahahaha! Sige na mananahimik na ako...  Sige na aakyat na ako sa kwarto ko.. Kendrich pangit ka pa rin."
Nagugulat na lang ako sa mga sinasabi niya. Umakyat na si Commander Willard sa kwarto niya.

"Hahaha! Sira talaga siya!" sabi ni Kendrich.
"Close kayo?" tanong ko
"Oo! Ahahaha! Lagi kong kalaro iyon noong bata pa ako. Ahahaha! Hanggang sa magdesisyon siyang matulog ng matagal. Kaya ayon, ngayon mo pa lang siya nakita at nakilala at namiss ko siya ng sobra."
"Ahh..Yung battle ax niya.. Ang ganda ha?"
Sabi ko

"Serephina pangalan ng battle ax niya. Ipinangalan niya sa asawa niya." sabi ni lord Leonel.

"Talaga po? Nasaan na asawa niya? Natutulog po?"
"Hindi, matagal na siyang patay.." diretsong sagot ni lord Leonel

"Oh.. Sorry.." sabi ko.
"It's okay.." sabi ni lord Leonel tapos si Kendrich  naman ay nanahimik.

"Excuse me lang po. Maliligo na po ako.." sabi ko.
Umakyat na ako sa kwarto ko. Nabigla ako sa nakita ko! Lahat ng gamit ko ay nasa labas ng pinto ng kwarto ko pero maayos na nakalagay.

Ms. AkumaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon