(Third Person's POV)
Nakaupo si Kendrich sa kama niya. Hinilamos niya ang mga kamay niya sa kaniyang mukha. Halata sa ekspresyon sa mukha niya ang pagkainis.
"Ur! Paano? Paano ko kukunin si Victoria? Baka hindi siya sumama sa akin dahil baka isipin niyang mapapahamak lang din ako. Paano?"
Napakuyom na lang ng kamay si Kendrich at sinuntok ang kama.
"Victoria, nangungulila na ako sa iyo."
*****
"Miss na kita Kendrich." sabi ni Victoria.
2 araw na ang lumipas ng kuhanin siya ni Terence. O sabihin nating sumama siya kay Terence.
Nasa kwarto ulit siya,nakaupo malapit sa bintana. Nakalabas naman na siya ng kwarto noon. Pero nakalibot lang siya at agad bumalik ng maramdamang malapit na si Dennis sa kaniya.
"Hindi pa ako binibisita ni Terence simula ng kinuha niya ako, ay mali. Nang sumama ako sa kaniya."
Biglang nalungkot si Victoria"Pabor na din iyon sa akin. Wag na siyang pumunta." bulong niya. Biglang bumigat pakiramdam niya. Parang may nakatayo sa kanang bahagi niya kaya agad siyang napalingon.
"So ayaw mo pala akong makita?"
Nagulat siya ng makita si Terence sa kwarto. Agad tumayo si Victoria."Bakit ka nandito?" tanong ni Victoria
"Haha! Siyempre mansion ko ito eh." sagot ni Terence sabay iling. Napatahimik si Victoria,parang napahiya.
"Anong kailangan mo ba ha?" Victoria
"Gusto ko lang bisitahin ang babaeng kusang sumama sa akin."
sabi ni Terence at sa isang iglap nasa harap na siya ni Victoria at hawak na niya ito sa magkabilang balikat.
Nagulat si Victoria kaya agad niyang tinulak si Terence.
"Wag mo akong hawakan!! Kaya lang ako sumama dahil ayaw kong makitang nasasaktan at nahihirapan si Kendrich!" sagot ni Victoria sabay layo kay Terence.
"Hahaha! Pero hindi mo ba naisip na yung ginawa mo eh pinagmukha mong natalo si Kendrich? Pinagmukha mo siyang mahina."
Napaisip tuloy si Victoria at nalungkot. Parang nagsisisi sa ginawa niya. Nalilito na siya kung tama o mali ba ang ginawa niya.
"Aww, wag ka ng malungkot Victoria. Haha! Nandito naman ako.." bulong ni Terence kay Victoria mula sa likod nito. Agad lumingon si Victoria at tinulak si Terence.
"Manahimik ka! Wala ng ibang ibig sabihin ang pagsama ko sa iyo. Iyon lang! Wala akong pakialam sa iyo!"
Tinulak niya muli si Terence"Pero nasa akin ka na ngayon. Haha!"
"Hindi! Hindi ako sa iyo! Kung iniisip mong mamahalin kita. Nagkakamali ka. Si Kendrich lang mahal ko at mamahalin ko.....Isa akong bulaklak na nababakuran. Wala kahit sinuman ang makakapasok kundi ang taong nagbakod at nagmamay-ari sa akin."
Nabigla at napatahimik si Terence.
"Wag ka ng umasa pa Terence. Hindi kita mamahalin gaya ng pagmamahal ko kay Kendrich!!"
Tumalikod na si Victoria at aakmang lalabas ng kwarto ng bigla siyang hilahin ni Terence sa kamay ng mahigpit.
"Ano ba Teren...ce..." nabigla si Victoria dahil iba na ang hitsura ni Terence. Kulay dugo ang mata niya at nakausli na ang mga pangil niya. Galit na galit siya.
BINABASA MO ANG
Ms. Akuma
VampireWarm to Cold.. Sudden changes of personality.. Normal life to Dangered life.. Human to Vampire.. How did it all happen?? Do you want to know? Then read this story of action,romance and supernatural