Blood 18

409 27 0
                                    

(Third Person's POV)

May tatlong guwardiya ang pumunta sa kabilang bahay na nasa labas lang ng mansion. May bitbit na hayop bilang alay ang mga guwardiya. Sobrang dilim sa loob ng bahay at sa gitna ay may malaling kabaong nagawa sa ginto ang lock at gilid.

Marahang nilagay ng mga guwardiya ang alay at inalis din ang lock sa kabaong. Bago umalis, yumuko ang mga guwardiya bilang pag galang at umalis na sila.

Mula sa labas may narinig silang malakas na pagbagsak ng isang mabigat na gamit. Nagmula ito sa bahay. Pero nagpatuloy pa rin sila sa paglakad.

Sa loob ng mansion..

"Kamusta? Ano ang nangyari doon?"
Tanong ni lord Leonel

"Iniwan lang po mamin ang alay at binuksan ang tinutulugan niya." sagot ng isang guwardiya.

"Sige,salamat" lord Leonel
Nagbow ang mga guwardiya to show respect bago umalis.......

"*Grin* After two decades I am now awake.."

-
(Victoria's POV)

Kahit nakadapa agad kong hinawakan sa leeg ang Exul at hinagis palayo sa akin.

"Lumayo kayo sa akin!" Tumakbo ulit ako ng bigla akong natigilan.

"Sandali.. K-kung pupunta ako sa kanila.. Baka masundan ako ng mga kalaban. O kaya gamitin nila ang pamilya ko laban sa akin. Baka malaman nila kung saan sila nakatira.."

Pero kung hindi ko sila pupuntahan...

"Baka nasa panganib na pala sila. Hindi ko sila maliligtas. Baka kailangan nila ng tulong.. Baka.. Baka n-- Aaah!"

Biglang may humawak sa balikat ko kaya agad kong itinutok ang matutulis kong kuko sa leeg niya.

"W-whoah! Victoria ako ito si Kendrich."
"S-sorry Kendrich.. Medyo may iniisip lang ako.."
"Kahit ako may iniisip eh.. Bakit nakarating dito ang mga Exuls? Sigurado akong may nasa likod nitong mga pangyayaring ito.."
"Ano ibig mong sabihin Kendrich?"

"May nagdala sa kanila dito. Hindi naman nila kayang magisa pumunta dito eh..At bakit naman niya ito gagawin.."

Pagkasabi ni Kendrich niyon ay may biglang nakisabat.

"Kasi sa tingin ko merong isa sa inyo ang gusto ng makita ang pamilya niya.. Ahahahaha!"
Agad kaming napalingom kung saan nanggaling ang boses na iyon at nakita namin siya sa may bubong ng bahay.

"Bakit hindi ko iyon naisip!! Ikaw lang naman ang pwedeng gumawa ng ganito kasama, Terence!" sigaw ni Kendrich.

Napakasama nga talaga ni Terence! Mananagot ka sa akin!

"Napakasama mo!" sigaw ko sabay talon papunta sa kanita at hinanda ko na ang atake ko.

Pero napakabilis ng pangyayari biglang may lumabas na barbed wire sa kamay niya papunta sa akin. Nawala ako sa tamang pagiiisip sa gulat ng biglang...

TUNG!!

Muntikan na akong matumba buti na lang at nakatapak ako sa dulo ng bubong bago bumuwelta pababa. Niligtas ako ni Kendrich mula sa atake ni Terence.

"Victoria! Ayos ka lang ba?" sigaw niya habang hawak ang Dark Blade niya na napapalibutan ng barbed wire mula kay Terence.

"O-oo! Ayos lang ako.." medyo na sprain ko lang yung paa ko dahil sa pagbaba.

Ms. AkumaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon