Blood 25

356 24 9
                                    

(Third Person's POV)

Naguusap sina Commander Willard at lord Leonel sa sala.

"Ayos lang iyon sa akin Willard. Hindi ko kabisado ang pagiisip ni Terence. Pero sigurado akong uunahin niyang kunin si Victoria bago ang Crest."

Sabi ni lord Leonel sabay bulsa ng mga kamay.

"Si Kendrich na ang magproprotekta kay Victoria. Sigurado akong kumportable doon si Victoria, kung si Kendrich ang kasama niya. Tutulong na lang tayo kung kinakailangan."

Dagdag ni lord Leonel.
Biglang napailing si Commander Willard.

"Ikaw lord Leonel ang iniisip ko. Akala ko po ba ako ang magbabantay at magtatanggol sa iyo pagdating ng kaguluhan? Pero bakit sabi niyo ho ay... Si Kendrich na ang babantayan ko ng hindi niya nalalaman... hindi ko po maintindihan!"

Pakumpas-kumpas pa ang mga kamay ni Commander Willard.

"Kaya ko ang sarili. Protektahan mo si Kendrich, hindi na ako. Siguradong magagalit iyon kapag nalaman niya ang tungkol dito. Kaya palihim mo lamang siyang bantayan. Huwag kang magpapahalata."

Sabi ni lord Leonel sabay hawi sa kurtinang nakatakip sa bintana.

"Alam kong may pinaplano kayo. Pero hindi ko po alam kung ano iyon."

Bago ituloy ni Commander Willard ang sasabihin niya siya ay huminga ng malalim.

"Parusahan niyo na ako kung paparusahan dahil sa nagawa kong desisyon. Tiwali ito sa gusto niyo, pero proprotektahan pa rin kita lord Leonel. Hindi po kita ilalagay sa panganib! Nangako ang aking mga ninuno at AKO na babantayan namin ang pamilyang Blank na pinagsisilbihan namin! Kahit.. ano pa ang mangyari.." matapang na sagot ni Commander Willard.

Ngumiti lang si lord Leonel...

"Bahala ka... Sige makakalabas ka na."
Yumuko muna si Willard bilang paggalang bago umalis.

"Ayaw kong maging pabigat sa inyo.... Iyon lang ang naiisip kong paraan.. Hindi ako pwedeng magpatiwal kundi madudungisan ang Crest na matagal ng iniingatan. Masasayang ang lahat ng paghihirap niyo...."

Bulong ni lord Leonel.

Sa mansion nila Terence...

"Ugh!! Gusto ko na siyang mahagkan gamit ang mga kamay ko! Hindi na ako makapaghintay!"
Sigaw ni Terence habang tinitignan ang mga kamay niyang nanggigigil.

Para na siyang nababaliw base sa hitsura niya. Pinadaan niya ang kamay niya sa kaniyang buhok.

"Hindi sapat ang nakikita ko lang siya sa malapitan! Gusto ko mas malapit siya. Nasa loob ng pamamahay ko, sa tabi ko, nahahawakan ko...."

Napayakap sa sarili si Terence. Nanginginig na ang buong katawan niya at nagawa pa niyang ngumiti.

"Hahahahahahaha!" Bigla na lang itong natawa at narinig pa ito sa ibang bahagi ng mansion...

"Hmm? Tumatawa na naman siya." Sabi ni Dennis na naglalakad sa loob ng mansion. Nagkibit balikat na lang siya at naglakad ulit.

*****

Si Victoria ay nasa kaniyang mismong kwarto nilalaro si Cheese.

"Cheese~ ikot pa! Ikooot~ hahaha! Ang cute mo!" Sabi ni Victoria sabay abot ng food kay Cheese.

"Grabe,pagod na ako..." Cheese

Nang biglang nagbukas ang pinto ng kwarto niya.

"O? Kendrich. Nandito ka ULIT? Hahaha! Bakit?" Sabi ni Victoria sabay pamewang.

Ms. AkumaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon