Blood 37

113 4 2
                                    

(Third Person's POV)

Nakabalik na si Victoria kung nasaan ang iba. Nakasalabay sa likod niya ang kaniyang ama na wala pang malay at katabi niyang naglalakad si Oliver. Agad silang dumiretso kung saan nagtatago si Samuel, sa mapunong lugar. Marahang ibinaba ni Victoria ang ama niya at tumabi doon si Oliver.

"Dito lang kayo ha? Siya si Samuel. Kaibigan ko siya. Kaya wag kang matakot sa kaniya ha?"
Sabi ni Victoria kay Oliver. Ngumiti naman si Samuel kay Oliver.

"Ayos ka lang?" Victoria, kay Samuel

"Oo naman. Haha."

"Argh!"

Agad silang napalingon kung sino ang sumigaw at si Kendrich pala iyon. Natamaan siya sa ulo at agad dumugo ang sugat.

"Kaasar. Urrr."
Sabi ni Kendrich. Hindi niya maimulat ang isang mata niya dahil umagos doon pababa ang dugo mula sa kaniyang sugat.

Sasaksakin na ni Terence si Kendrich. Agad kumilos si Commander Willard at hinawakan ang braso ni Terence. Pero siniko siya nito, natumba at tumama ang likod sa bato.

"Paalam na.."
Bulong ni Terence.

Humawak ng mahigpit si Kendrich sa kaniyang sandata. Pero bago pa sila magpalitan ng atake. Nakatikim ng malakas na sipa sa mukha si Terence mula kay Victoria.

Nakahinga ng maluwag si Kendrich at medyo napahiga kaunti sa sahig. Tumitibok sa sakit ang sugat na nakuha niya.

Agad naman nakatayo si Terence kahit nasipa siya pero lumabo lang kaunti ang paningin niya dahil sa lakas ng pagkakatama sa kaniya.

"Nakabalik ka na pala. Tsss."
Sabi ni Terence at napahawak sa parte ng mukhang nasipa.

"Oo, para tapusin ka."
Victoria.

Kumunot lang ang noo ni Terence at agad ng sumugod kay Victoria. Agad gumawa ng depensa si Victoria na agad niyang sinundan ng atake.

Habang naglalaban ang dalawa, ginawa iyon ni Commander Willard na pagkakataon para mapuntahan si Kendrich. Pinunasan niya ang dugo nito sa mukha.

"Salamat Willard. Eh iyang likod mo?"

"Ayos lang, Kendrich. Pero aaminin ko, ang kanan kong braso ay hindi maayos. Pakiramdam ko medyo nadislocate ito. Tsss.."

"Kaya mo pa ba lumaban?"

"Haha! Oo naman. Matatawag ba ang akong Commander sa walang dahilan? "
sabi niya ng may ngiti at tinaas ang kaliwang kamay.

"Haha! Okay, ngayon tulungan mo akong tumayo."

"Talagang sa may dislocate na braso ka pa nagpatulong tumayo."

Pagtayo nila, nakita nilang hawak ni Terence si Victoria sa buhok nito.
Pilit kumakawala si Victoria.

"Bitawan mo nga ako!"

"Baliw ka ba? Bakit kita bibitawan?"

"Urrr! You gave me no choice!"

Puputulin na ni Victoria ang kamay ni Terence nang iusog nito ang kamay niya habang nakahawak pa rin. Kaya ang kaniyang mismong buhok ang naputol niya. Pero nakawala pa rin naman siya kay Terence.

Agad pinagpag ni Terence ang kamay niya na nakahawak sa nagupit na buhok ni Victoria.

"Ang mahaba kong buhok."bulong ni Victoria.

Nakita niyang nakatayo sa malayo si Terence kaya agad siyang kumilos para atakihin siya. At matagumpay niya siyang natamaan leeg!
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Pero naging dahon ang buong katawan ni Terence. Na ipinagtaka ni Victoria.

Ms. AkumaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon