Blood 16

386 21 4
                                    

(Third Person's POV)

Nilapitan nila yung batang umiiyak.

"Sa susunod! Wag mo nang gagawin iyon!! Paano kung mapatay ka! Gusto mo ako na lang kaya pumatay sayo noh! Napakasutil mo! *palo*"

Sabi nung nanay.

"uhm,manang.."

"Ano!"

"A e,sa tingin ko po hindi po dapat sinisigawan ang anak pagmay kasalanan."

"Eh ano bang alam mo!"

"Lalo po kasing magrerebelde yung anak pagsinisigawan. Dapat mahinahon lang at ipaliwanag kung bakit hindi pwede ang isang bagay."

"Tumigil ka nga! Wala ka pa sigurong pamilya kaya ka ganyan! Hindi mo alam ang hirap! Tara na nga anak! Ang ingay mo kasi!"

Hinila na nung nanay yung bata. Pagkaalis may sinabi si Victoria.

"Oo wala pa akong pamilya. Pero alam ko ang hirap ng buhay. At kahit ganoon, hindi kami pinagbuhatan ni daddy ng kamay o sinigawan man pag may kasalanan kami."

Nagpatuloy sa paglakad si Victoria kasama pa rin niya si Cheese. Habang naglalakad may nasa lubong si Victoria na taong may bitbit na dalawang malalaking kahon. Agad naman siya umiwas pero natamaan pa rin nung kahon ang balikat niya.

"Ouch!...Cheese?? Cheese? Asan na siya!"

Natamaan yung balikat niya kung asan si Cheese. Agad pumagilid si Cheese dahil baka matapakan siya ng mga tao. Kahit hilong-hilo dahil sa pagkahulog kinaya niya ito. Pumunta siya sa sulok at bumalik sa dating anyo.

"Ouch! Tsss! Nahilo ako doon ah!"

sabi ni Samuel habang nakahawak sa noo.

(Samuel=Cheese)

Sinilip ni Samuel si Victoria.

"Cheese? Cheese?" nakatingin sa sahig si Victoria at hinahanap siya. Pati yung mga sulok tinitignan niya kahit madami ng tao ang nakakabangga sa kaniya.

"Bakit? Bakit ganoon siya? Isa lang naman akong daga sa paningin niya. Marami pa namang daga na iba. Pwede naman siyang maghanap. Kakaiba siya. Kahit mga simpleng bagay pinapahalagahan niya. Kakaiba siya. Hindi na ako magtataka kung si Master at Kendrich ay nagkagusto sa kaniya.. K-kahit.. A-ako."

Bumalik sa dagang anyo si Samuel at pumunta sa harap ni Victoria.

"Cheese! Sa wakas!" nakita ni Samuel na halos maiyak pa si Victoria. Pagkatapos umakyat ulit siya sa balikat ni Victoria.

"Kinabahan talaga ako kanina Cheese. Akala ko mawawala ka na."

Sabi ni Victoria habang hinahaplos si Cheese na nasa balikat niya.

Bumili si Victoria ng palamuti para sa buhok niya. Paglabas ni Victoria ng gamit niya sa kaniyang purse ay nakita ni Cheese yung binigay ni Terence na Blood Ruby kay Victoria. Maingat na binalik ni Victoria yung blood ruby sa purse niya.

Habang nasa town sila naramdaman ni Cheese na nasa paligid lang ang Master Terence niya. Nagpahinga si Victoria sa may bench na nasa ilalim ng puno at alam ni Cheese na nasa likod lang nito si Master niya. At tama! Biglang tumabi si Terence kay Victoria.

"Hi Lady Victoria" bulong nito. Agad lumingon si Victoria at tumayo.

"T-terence! Lumayas ka sa harapan ko!"

"Tsk tsk tsk! Ganyan ka na ba bumati sa taong nakikipagusap?"

"Wala tayong dapat pagusapan."

"Hmm... Gusto ko lang sana mangamusta?"

Umurong kaunti si Victoria dahil tumayo si Terence.

"Ayos lang kami. At mawalang galang na,aalis na ako"

Biglang hinawakan ni Terence sa kamay si Victoria at nilapit ang bibig niya sa tenga ni Victoria.

"Parang kailan lang, napaka inosente mo pangtignan. Ngayon hindi na. Mas lalo tuloy kitang nagugustuhan Victoria."

Agad tinulak ni Victoria si Terence.

"Tumigil ka!"

Ngumiti lang si Terence

"Magingat ka ha? Hindi mo alam baka may nagmamanman na sa iyo."

"Ikaw lang naman ang gagawa non!"

Pagkasabi niyon ay naglakad na ng mabilis si Victoria pabalik sa Mansion ng Blanks.

Pagkarating sa mansion naramdaman agad nila Kendrich at Leonel ang mabigat na aurang dala ni Victoria.

"Ano nangyari Victoria?" Leonel

"B-basta!"

"May nang away ba sa iyo?" Kendrich.

"N-nakita ko kasi si Terence sa town!"

"Galing ka sa town! Di ba sabi k--" Kendrich. Hindi siya pinatapos ni Leonel.

"Sige Victoria ano nangyari?" Leonel.

"N-nakita ko siya! T-tapos pinapaalis ko siya ayaw niya! Tapos! Tapos! Nangangamusta daw siya tapos tapos!"

Nagrered na si Victoria.

"Tapos?" Ken at Leonel.

"Sssabi niya.. G..G-gus.."

"Gus?" Ken at Leonel

"Gusto daw niya ako! Mas gusto!!" sabi ni Victoria. Agad nagreact si Kendrich

"Sabi ko na nga ba eeh!! Hindi ka niyon titigilan! Dapat nakakulong ka lang dito! Oo! Dapat may guwardiya sa labas ng kwarto mo! Kahit sa may bintana!!"

Parang nababaliw si Kendrich

"Wag masyadong eksaherado Kendrich!" leonel

"Kaya ko naman sarili ko." sabi ni Victoria

"Paano kung iba gamitin nila laban sa iyo? Kaya mo pa ba?" seryosong tanong ni Leonel.

Hindi umimik ng ilang segundo si Victoria.

"Kaya kong protektahan sarili ko." sabi ni Victoria at umalis na.

"Daddy, nagalit ata siya dahil sa tinanong mo." sabi ni Kendrich sabay masahe sa noo niya.

"Hm? Hindi ko naman siya intensyong galitin. Gusto ko lang malaman kung handa siya kung sakaling may mangyaring ganoon at ano ang magiging respond niya. Hindi ko siya gustong galitin."

Sabi ni Leonel sabay kibit-balikat at umalis na. Napailing na lang si Kendrich.

To be continued...

"lord Leonel! May Exul na nakapasok sa mundo ng mga tao!"

"Agad magpadala ng isang kawal para patayin ito."

...............

"lord Leonel!! Hindi lang iisa ang Exul na nakapasok! Marami po! Nahihirapan na ang pinadala natin. Hindi lang po ito kakayanin ng dalawa. Higit pa ang kailangan!"

"Ano!! B-bakit?!! Magpadala pa ng maraming kawal!"

"Sasama ako daddy!"

...

"Ano nangyayari Kendrich?"

(A/N: gosh! Paano ko ba sisimulan ang next chap.? Waaah! >3< )

Ms. AkumaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon