(Third Person's POV)
"Kamusta Willard? Haha." Tanong ni Dennis habang hinahagis, sinasalo at iniikot ang backsword sa kaniyang kamay.
"Manahimik ka na nga dyan! Baka mahati ko pa ang bibig mo."
Sagot ni Commander Willard habang pinupunasan ang Serephina niya dahil ito'y puno ng dugo.Bago kasi sila magharap ay kinalaban muna nila ang mga kawal sa bawat panig. Pero sina Terence at Kendrich ay nagsimula ng kalabanin ang isa't isa, kanina pa.
"Sayang naman ang napakaganda kong mukha kung ganoon. Haha!"
"Sa labanan, wala ng halaga ang hitsura! Mas maarte ka pa sa babae!!......!!!!!"
Nalinga lang ng sandaling-sandali si Commander Willard at pagtingin niya sumugod na pala si Dennis at malapit na ito sa kaniya. Agad niyang pinangharang ang Serephina, nagtama ang sandata nila. Sa lakas ng pagtama, may malakas pang hangin na dumaan sa harap ni Commander Willard dahilan para magkaroon siya ng mababaw na hiwa sa kaniyang pisngi.
"Tsss! Nasugatan ako kaagad." Bulong niya.
Nakangiti lang naman sa kaniya si Dennis.
"Nakakapikon ah." dagdag niya pa.
"Ano? Pikon ka na agad? Haha!" sigaw ni Dennis. Lalo pa itong napikon ng marinig pala ni Dennis ang sinabi niya.
Huminga na lang siya ng malalim. Alam niya kasi na wala iyon ikakabuti
Kung magpapadala siya.Tumalon si Commander Willard ng napakataas at hindi na siya makita. Agad tumingala si Dennis.
"Grabe~ ang taas ng talon ha? Haha!"
Sabi ni Dennis, bigla siyang ngumisi at hinawakan ng mahigpit ang backsword niya. Mga ilang Segundo pa...SWOOOOOOGHSSSSHHH!!
Umatake na mula sa itaas si Commander Willard. Nakaharang naman ang backsword ni Dennis sa battle ax nito. Hindi nawala ang ngisi ni Dennis.
"Ang hina naman ng atake mo."
Asar niya.Pero sa totoo lang, sa lakas ng impact ay nakagawa ito ng malaking butas sa kinatatayuan niya.
Lumayo si Willard mula kay Dennis at umatake ulit. Syempre hindi papatalo si Dennis kaya pati siya ay umatake na din. Winasiwas ni Commander Willard ang battle ax niya. Yumuko naman si Dennis at nakahandang hatiin ang isang paa ni Commander.
Mabuti at agad nakatalon si Commander Willard. Ginamit niya ang likuran ni Dennis bilang pangbuwelo papunta sa kabila. Walang oras na sinayang agad na din siyang umatake mula doon.
Agad naharangan ni Dennis ang atake at hinablot ang kaliwang kamay ni Commander Willard gamit ang kamay niyang mga matatalim na kuko.
Agaran tuloy siyang sinipa ni Commander sa tiyan para makawala. Malalim ang sugat na nagawa niya. Dinilaan niya ang dugong lumalabas sa kaniyang kamay.
"Mapandaya ka!" sabi ni Commander Willard
"Ha? Haha! Anong madaya roon? Wala naman. Laban ito. Walang mga panuto dito.
Sagot ni Dennis at ngumisi siya sa huli."Tsss.. Ganoon ha? Hmp! Nakakainis yang ngisi mo, pati yan tatapusin ko."
Bulong ni Commander Willard habang ngini-ngitngit ang mga ngipin niya.Pinagpatuloy nila ang laban. Napakabilis ng mga nangyayari, parang hindi sila napapagod dahil hindi nagbabago ang bilis.
CLANG!
"Aaak!!"
Napalingon si Commander Willard. Tumilapon ang Dark Blade ni Kendrich at nasugatan siya sa braso.
BINABASA MO ANG
Ms. Akuma
VampireWarm to Cold.. Sudden changes of personality.. Normal life to Dangered life.. Human to Vampire.. How did it all happen?? Do you want to know? Then read this story of action,romance and supernatural