Blood 32

158 13 0
                                    

(Victoria's POV)

Naluluha ako sa tuwa dahil sa wakas kasama ko ulit ang mga taong nagmamahal at nagmamalasakit sa akin. Kaharap ko ngayon si Kendrich at si Commander Willard naman ay nasa likoran niya.

"Kendrich~" sabi ko ng may ngiti at naiyak na. Niyakap ko siya ng mahigpit.

"I missed you so much." Kendrich.

Kumalas na ako sa pagkakayakap.

"Namiss ko rin kayo." tumayo ako at niyakap ko naman si Commander Willard.

"Uhurm!" biglang sabi ni Commander kaya kumalas na ako. Natawa na lang ako kaunti. Isa talaga siyang mataas at propesyonal na bampira. Napanatili pa rin niya ang kaniyang postura ng pagiging commander kahit emosyonal na nga kami.

"Seryoso mo masyado, WILLARD. HAHA!" sabi ni Kendrich.

"Tssss...*inirapan si Kendrich*.....Lady Victoria, maligayang pagbabalik *bow*" sabi niya ng may ngiti.

"Salamat talaga sa inyo. Maraming salamat. Ang saya saya ko na." sabi ko sa kanila. Hindi ko nanamang napigilan na umiyak.

Lumapit sa akin si Kendrich at pinahid ang luha ko sabay yakap.

"Tahana Victoria. Tahana. Simula ngayon sama-sama na tayong lalaban. Ipagtatanggol natin ang ating sarili. Kahit 3 lang tayo matatawag pa rin tayong isang pamilya."

Tumango ako habang yakap niya ako.

"Dapat ka ng magpahinga Victoria. Halika na sa kwarto mo." sabi ni Kendrich at hawak niya ang kamay ki habang hinahatid niya ako sa kwarto.

Napangiti lang si Commander Willard at pumunta sa labas.

Nang maihatid niya ako sa kwarto ay umalis din siya kaagad. Sa wakas makakatulog na ako ng mahimbing. Kahit itong araw lang ayos na. Pero mas maganda kung araw-araw....

Nakatulog nga ako ng mahimbing. Pero pagkagising ko nakaramdam ako ng takot. Pero kaagad din nawala dahil naalala ko na nandito na pala ako ulit kina Kendrich. Medyo lutang pa rin siguro ang isip ko, napangiti na lang tuloy ako.

Lumabas na ako mula sa kwarto ko at pumunta sa sala. Pagkarating ko doon, nakita ko doon si Kendrich. Nakaupo sa sofa at tulog. Dahan-dahan akong lumapit sa kanila. Nakahanda na ang kamay ko para pitikin ko ang kaniyang ilong pero nang gagawin ko na iyon ay bigla siyang nagising at hinawakan ang kamay ko.

"Hmm, hindi mo ako maiisahan Victoria. Haha!" sabi niya sabay bitaw sa kamay ko.

"Haha! Oo na! Ikaw na ang magaling! Hahaha! Parang panaginip talaga na nandito na ako ulit." sabi ko sabay ikot.

"Panaginip naman talaga ito. Mamaya darating na si Terence. Hahaha!" sabi ni Kendrich sabay lakad palayo. Medyo kumabog tuloy ang puso ko sa kaba at napatulala....

"Biro lang!!" sigaw niya sabay lingon sa akin. Aaminin ko napikon ako doon kaya agad akong lumapit sa kaniya at binigyan siya ng suntok sa tiyan.

"A-aray ko n-naman!" sabi niya habang naka hawak siya tiyan at natatawa pa ha?

"Kasi naman hindi maganda ang biro mo! Nakakapikon kaya! Muntikan na akong maniwala!"

Sabi ko at pinalo siya sa balikat.

"Ano ba iyan! Dinagdagan mo ang iyong parusa para sa akin! Haha! Masama ka!"

"Mas masama ka!"

"Ikaw ang pinaka masama... Dahil ikaw ang dahilan kung bakit nawawala ako sa sarili,tuwing nakikita kita."

Ms. AkumaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon