Blood 4

771 31 2
                                    

(Kendrich Blank's POV)

This is all my fault. I turned her into a vampire. From now own she is my responsibility for I'm the one who made her turned...

"Sino ka!!" sabi sa akin ni Victoria. Her eyes turned violet. Her fangs are also starting to be visible.

"Ako...Ako si.."

Aamin kaya ako na..Ako ang dahilan kaya nagbago siya. Oo sa tingin ko dapat nga.

"Ako si Kendrich Blank. And..I'm the one who turned you into a vampire"

Natahimik siya sandali.

"Hah! Panaginip lang ito. Haha! Im sure of it!"

halata sa mukha niya ang pagkagulat. Niloloko niya pa ang sarili niya.

"Kung panaginip lang ito..Hindi mo ito dapat mararamdaman"

I moved my right hand sidewards to the left like cutting the air.

Whoosh...

"Ouch!"

sabi ni Victoria sabay hawak sa pisngi niya at maya-maya pa ay may dugo nang lumabas... Pero agad din itong gumaling.

"......."

I think, I did a wrong move. I can feel a strong and angry aura around her..

Hindi niya inaalis ang tingin niya sa akin. Hinawakan ko na lang siya agad sa kamay.

"You need to come with me!" sabi ko.

"Hindi ako sasama sa iyo!"
"Kung iniisip mo yang lalaking yan! Wag ka ng magalala! Kasi wala na siyang maaalala sa nangyari kaya lets go!"
"Hindi nga sabi eh! Hindi ako sasama sa iyo!!"
"Bakit! Sinong pupuntahan mo? Pamilya mo?!"

Pagkasabi ko niyon,biglang kumalma hitsura niya at bumalik sa dating kulay ang mata niya..

"Si Daddy at Oliver....Alis!!" bigla niya akong tinulak at tumakbo siya.

"Kailangan ko siyang habulin"

Paghakbang ko palang ng isa agad akong nakaramdam ng pagod at hilo.

"Aist! Tssss....Ako pala yung kinagat niya kanina...Tsss!! Kaasar!"

Napasuntok na lang ako sa puno. Sa mga bubong na lang ulit ako dadaan ulit.

"Good thing suot ko ang hoodie ko."

Marahan akong tumalon, bubong sa bubong. Napakabilis niyang kumilos. Baka nakauwi na iyon!

*****

Pagkarating sa bahay nila agad akong sumilip sa bintana.

Nakita ko siya sa loob at palapit na siya sa daddy niya. Agad kong tinigil ang oras kahit sandali lang at pumasok na ako sa loob.

"Dad?Dad? Bakit hindi ka sumasagot?" Victoria

"Tinigil ko muna ang oras."
"Umalis ka dito! Hindi kita kailangan.."
"Oo KAILANGAN mo ako..."
"At bakit?"
"Hindi mo na sila katulad. Ako na ang katulad mo. You don't belong to this human world anymore..."

"Tsss! Tumigil ka!" kasabay ng pagsigaw niya ang pagtulo ng luha niya.

It seems like I can feel the pain she is having right now.

"Alam kong masakit pero..... Ganito kasi,iba na ang paraan ng pamumuhay mo simula ngayon. Hindi ka na pwedeng tumira kasama sila."
"Bakit! Dahil ba sa may pangil na ako! Dahil dugo na ang iniinom ko! Yun lang ba? Ha!"
"Oo... Gusto mo bang ikaw mismo ang makasakit sa pamilya? Kung nalaman nilang iba ka na.. Sa tingin mo ba matatanggap ka nila agad? Kung matatanggap ka man nila,sa tingin mo ba mapipigilan mo ang sarili mo na maghanap ng biktima? Mahihirapan sila sa iyo. Habang buhay ka nilang itatago mula sa tao.. Paano kung dumating sa punto na sila ang kailangan mong biktimahin? Hindi iyon kadaling pigilan Victoria..."

Patuloy lang siya sa pagiyak..

"Pero..Hahanapin nila ako...Ano sasabihin ko?"
"I'll erase all of their memories about you. They wont know you exist and you existed.. "
"Kahit kay Oliver?"
"Yes.."
"M-makakalimutan na nila ako.....Paano yung mga gamit ko? Eh di...Magtataka sila"

"Wag mo ng problemahin iyan...Ako na ang bahala kaya...pakiusap tumahan ka na"

Sa huling pagkakataon. Minasdan ni Victoria ang nakangiting mukha ng daddy niya. At kumuha siya ng isa family picture nila bago umalis.

"Handa na akong umalis.." sabi ni Victoria sabay punas ng mga luha niya.

To be continued...

Ms. AkumaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon