Blood 15

464 24 0
                                    

(Third Person's POV)

Sa isang tahimik na gabi may isang itim na paniki ang lumilipad at pumasok sa isang malaking bintana. Agad siyang sumabit pabaliktad sa braso ng isang lalaking nandoon. Lumipad ulit ito at nagbago ng anyo.

"Master Terence *kneel-stand* Pasensya po kung hindi po ako kaagad nakabalik."

"Ayos lang Samuel. Ano ba ang dahilan bakit hindi ka nakabalik?"
Sabi niya habang may hawak na basong may laman na kulay pula na likido at ginagalaw-galaw ito.

"Ako po ay kinuha ni Lady Victoria bilang alaga."
Napatawa ng malakas si Terence.

"Hahahahahahahaha! At bakit naman?"
"Daga po kasi ang anyo ko noong mga oras na makita niya ako. Pero master, may plano po ako."
"Hmm,sabihin mo"
"Sa ganoong paraan mas madali na lang ako makakakuha ng impormasyong malalaman at magagamit sa kanila. Pananatilihin ko na lang na mababa ang aura  ko."

Tumaas ang isang kilay ni Terence.

"Delikado iyang ginagawa mong pagbaba ng aura. Kung tatagal iyan hahantong ito sa paghina ng katawan. At paghina ng katawan ay pagkailangang uminom ng dugo, maaring madami pa."

Tumango si Samuel.
" Kakain pa rin ako sa tamang oras. "

"Ikaw pa naman ang bampirang napaka bait pagdating sa paginom. Nakakapagtaka nga at sa akin ka pumapanig hindi sa mga katulad mong mababait pagdating sa paginom.." dagdag ni Terence.

"Marunong po akong tumanaw ng utang na loob sa kabaitang binigay mo sa akin Master Terence at nangako po ako sa inyo. Ang pangako ay pangako para sa akin."
Sabi ni Samuel

"Hmm,ganoon ba? Gusto mo bang uminom?" sabi ni Terence sabay abot ng basong hawak niya.

"Hindi ko pa po kailangang uminom ng dugo master"
"Hahahaha! Sabi ko na nga ba iyan ang isasagot mo! Ahahahaha!"
"Pumunta na naman kayo sa mundo ng tao?"
"Hmm, oo....."
"Master,magingat naman po kayo. Wag masyadong pumupunta doon alam--"

"Alam ko! Na mawawala ang balanse sa mundo ng tao at sa mundo natin kung aabusuhin. Sila ang pagkain,may limitasyon din. Pero Samuel! May limitasyon ba kung hahahahahaha! Sobrang dami na nila!" pangaasar ni Terence

"Gusto kong magingat kayo master. Paano kung may makahuli sa inyo? Meron at meron pa ring limitasyon lahat ng bagay master."

"Hindi nila ako kaya! At tsaka,hindi kita nanay wag mo akong pagsabihan. Hahaha!"

Napa-iling na lang si Samuel.

"Aalis na po ako.."
"Sige na.. Ituloy mo na ang ginagawa mo *inom*"

At umalis na nga si Samuel sa anyo ng paniki.

*****
Pinapakain ni Victoria si Cheese ng maliit na piraso ng karne habang nasa hapag kainan sila.

"Victoria,saan mo ba nakuha ang dagang iyan?" lord Leonel.

"Cheese ang pangalan niya" pinapakain niya pa rin si Cheese.

"Saan mo nga nakuha ang dagang iyan?" paguulit ni Leonel
"Cheese."
"Okay! Si Cheese saan mo nakuha?.... Tinde rin ng batang ito" binulong ni Leonel ang huli niyang sinabi.

"Diyan lang" tipid na sagot ni Victoria. Napasabunot si Leonel sa buhok niya.
Tumatawa lang si Kendrich sa tabi napatingin siya kay Victoria na natawa din sa ginawa niya.

"B-bahala na kayo diyan. Tapos na akong kumain" sabi ni lord Leonel at umalis na. Hindi naman siya galit.

"Hala! Nabaliw na ata si daddy. Ahahaha!" kendrich
"Hindi yan. Iyon lang eh.  Mababaliw na agad? Hahaha! Nakilala mo na ba si Cheese?"

Ms. AkumaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon