Blood 35

134 7 0
                                    

(Victoria's POV)

Daddy at Oliver. Parating na ako....

"Kung kailangan kong ibuhos lahat ng lakas ko para maligtas kayo, gagawin ko!"

Habang papalayo ako, nakita ko na nagharap na si Terence at Kendrich, si Commander Willard at Dennis.

"Urrr! Babalik din ako."
Mas binilisan ko ang pag kilos, pumasok ako sa kakahuyan, sa mga kweba at narating din ang dulo ng aming lugar.

"Isip Victoria, mag-isip ka!"
Lakad ako ng lakad, natataranta na din ako. Paano na 'to??

"May napapansin ka bang kakaiba?? Isip lang....... Teka!!"

May naalala ako. Habang nasa kakahuyan ako, maingat ako sa pag kilos. Marami kasing mga Exul doon. Halos tirahan na nila iyon. May napansin akong kakaiba sa kanila. Lahat sila parang may pupuntahan, iisa lang ang tinutungo nila.

"Susundan ko sila!"

Napakabilis pa naman nilang kumilos, kaya ko ito. Kaya kong makipagsabayan sa kanila.

At sa wakas may nakita din akong isang Exul. Saan ang tungo nito? Medyo hindi pa ako pamilyar sa daan at habang tumatagal, dumadami ang mga Exul na nakikita ko na papunta din sa pinupuntahan nito.

"Saan ito papunta? Teka, ano iyon?"

Sa malayuan, mayroong kulay itim na bilog na para bang sa gitna nito ay may butas. Butas nga ba? Na iba ang kulay, parang puti?

Habang papalapit ako ng papalapit, tsaka ko nakita kung ano talaga iyon.

"Oliver?!"

Kinilabutan ako sa nakita ko. Nasa gitna si Oliver, nasa upuan at nakapatong sa 'di kataasang bato. Napapalibutan siya ng mga Exul at ang bato na kung saan siya nakapatong ay mas mataas lang ng kaunti sa kanila.

"Aaaa! Tulong! Tulong!"
Nakapiring pa rin ang mga mata niya at naabot ng mga Exul ang paa niya.

"Nandyan na ako Oliver!"

Tumalon ako ng mataas mula sa puno at inatake ang mga Exul mula sa itaas. Hinampas ko sila ng malakas na hangin at nagkapira-piraso ang iba. Marami pang natira. Pero lalapit na ako agad kay Oliver habang hindi pa nakakalapit ang mga Exul. Tumuntong ako kaunti sa may bato. Hinawakan ko siya sa balikat. Nagulat pa nga siya.

"Ah!!"

"Tahan na, Oliver. Nandito na ako."

Basang-basa ng kaniyang luha ang tela na nakapiring sa mga mata niya.

"Iligtas niyo po ako." nanginginig niyang sinabi.

"Oo, ililigtas kita."

Inalis ko ang tali sa kamay niya. Nang aalisin ko na ang tali sa binti niya, nakita ko ang mga sugat niya doon. Mga kalmot galing sa mga Exul. Tssss!

"Sandali lang ha? Tatakpan lang natin muna ang mga sugat mo sa binti. Mabilis lang ito."

Puminit ako ng tela sa laylayan ng damit ko at tinakip sa mga sugat niya.

"Ano po itatawag ko sa inyo?"
Tanong niya.

"......Ate na lang."

"Ate .."

Naluha ako ng sinabi niya iyon. Naalala ko ang nakaraang magkakasama pa kami.

"Bakit?"

"Iligtas niyo po ang daddy ko. Please po. Siya na lang ang kasama ko sa buhay. Iligtas niyo din po siya."

Ms. AkumaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon