Blood 12

518 24 2
                                    

(Victoria's POV)

Bigla ko na lang naisip si Oliver. Gusto ko siyang bisitahin. Since weekday ngayon sigurado nasa school siya.

"Kendrich!" tawag ko,nandoon siya sa bintana nakatayo at parang may tinitignan.

"Bakit Victoria?" sabi niya sabay lingon sa akin

"A-ano tinitignan mo??.. Never mind,gusto kong bisitahin kapatid ko."
"Ngayon na? Tirik pa ang araw doon. Ayaw kong lumabas."
"Ayos lang,magpapayong ako. Hindi ko naman sinasabi na sumama ka. Nagpapaalam lang ako."

"Kung ganoon--- !!!!"

Hindi pa siya tapos magsalita ng bigla siyang lumingon sa bintana ng mabilis at lumabas doon!!

"K-kendrich!! Anong ginagawa mo?"

Mula sa loob parang may hawak siya. Kaya pumagilid pa ako kaunti para makita hawak niya.

"Isang ibon? Bakit kaya iyon?"

"Tssss! *pinakawalan yung ibon* mahuhuli din kita kung sino ka man"

Bumalik na si Kendrich at sinara yung bintana.

"Ano ba iyon Kendrich? Yun ba yung tinitignan mo kanina pa?"

Tanong ko

"Hindi,may iba pa. Matagal ko ng nararamdaman na may nagmamatiyag dito. Minsan nararamdaman kong nasa kwarto mo siya. Kapag natutulog ka."

"A-ano??!! Wag ka ngang manakot!"
"Totoo,pero wala pa naman siyang ginagawang masama sa iyo eh. Wag lang niyang tangkaing saktan ka. Ako ang tatapos sa kaniya."

"O-okay" tumaas lahat ng balahibo ko ng sabihin niya iyon.

"Balik tayo sa pinaguusapan natin kanina. Sasama na ako sa iyo para makasiguradong ligtas ka doon"
"Salamat"

Nagpalit muna kami ng damit. Para makibagay sa mga tao doon,mahahalata kasing iba kami kung hindi kami magpapalit. Ang mga damit na suot namin dito ay makaluma,sobrang haba at sa lalaki ay parang laging naka pormal.

Pagkatapos niyon ay dumaan kami sa isang malaking pinto,pagkapasok doon nasa mundo na kami ng mga tao kaagad.

Sinuot ni Kendrich ang shades niya at binuksan ang itim niyang payong. Ako naman inilugay ko ang buhok ko at binuksan ang pula kong payong. Naglakad kami sa harap ng madaming tao.

"Saan ba ang school ng kapatid mo?"
"Doon pa banda. Kaunting lakad na lang"

At iyon nga,kaunting lakad na lang at nandoon na kami. Pagpasok namin madaming bata ang nagtatakbuhan sa may playground at sa lamesang malapit doon ay nakita ko si Oliver.

"Breaktime nila" sabi ni Kendrich
"Oo,lapit tayo ng kaunti sa kanila"

Lumapit nga kami pero hindi sobra. Doon lang kami kung saan malapitan ko ng nakikita si Oliver pero hindi niya kami mapapansin. Kasama niya mga kaibigan niya.

"Ahahaha! Oo nga dude! Ang saya doon!" classmate 1
"Punta tayo doon paglaki natin!" classmate 2
"Eh di matatanda na tayo ah! Paano pa tayo makakapaglaro? Ahahaha" Oliver

Nakakatuwa naman! Buti na lang may mga kaibigan siya.

Tumingin-tingin ako sa paligid.

"Uy si Victoria o!" classmate 1

Bigla akong nagulat ng marinig ko iyon. Napaurong ako kaunti

"Oo nga siya yon ah!" classmate 2,di ko alam ha? Pero sa gawi namin sila nakatingin at turo. Biglang tumayo si Oliver.

Ms. AkumaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon