(Victoria's POV)
Umaga na dito at nasa garden nila ako. Ayos lang maglibot kapaga unaga. Gaya nga ng sinabi ko noon wala masyadong liwanag ng araw dito. Kung meron man sa iisang lugar lang o kaya kaunti lang.
"Napakaputla naman ng kulay ng mga roses dito."
Dahan-dahan ko itong hinaplos.
"Nakakayanan nilang mabuhay kahit wala masyadong araw dito.... Sila daddy at Oliver din, nakakaya nilang mabuhay kahit wala ako...."
Pipitasin ko na sana yung rosas nang matusok ako sa tinik nito. Dahil may naramdaman akong iba sa paligid ko. Agad akong tumayo ng matuwid at tumingin sa paligid...
"Sino ka? Lumabas ka!"
Pero walang nagpakita. Kaya marahan akong lumapit kung saan ko napansin ang pag galaw. Nang makarating ako doon.
" Ah!... Isang uwak lang pala" nagulat ako dahil bigla itong lumipad. Pero sigurado ako,hindi uwak ang naramdaman kong iba kanina. Kaya ang sinabi ko kanina ay sino... Pero nawala ito kaagad.
"Victoria."
Agad akong napalingon sa tumawag sa akin..
.
.
.
.
"Si Kendrich pala... Bakit Kendrich?"
"Kamusta ang nobya ko?"Mahinahon at nakangiti niyang sinabi
"Hindi pa ako nag-oo sa bagay na iyon..."
"Oo nga pala.. May sugat ka!"Napatingin ako sa daliri ko.
"Oo,alam ko" agad kong dinilaan kamay ko.
"Wala na" dagdag ko. Lalakad na sana ako ng bigla akong yakapin ni Kendrich sabay liyad.
Para tuloy kaming may saltik at ganoon posisyon namin.
"Ano ba ginagawa mo!" sabi ko
"Hindi mo napansin?" bulong niya"Aling napansin??"
Dahan-dahan niyang inilingon ang ulo niya pakanan. Dingding ang nandoon, anong meron? Kaya pati ako ay lumingon na din doon.
"Isang maliit na... Teka ano ba iyon?" sabi ko at tumayo na kami ng matuwid.
"Karayom.."
"Karayom?" lumapit ako para makita ng mabuti. At oo karayom nga. Nakatusok pa sa dingding ha? Ibig sabihin mapwersa ang pagkakabato nito. Kukunin ko na sana..."Wag mong hawakan!" sigaw ni Kedrich.
"It is poisonous..."
"T-talaga?"Napansin kong napakaseryoso na ng expression sa mukha ni Kendrich...
"O..O-oo...Tssss!"
Ano nangyayari sa kaniya.. At a-amoy dugo. Kinakabahan ako,agad kong hinarap sa akin ang likod ni Kendrich.
May dugo ang damit niya. Pahiga ang sugat,may hiwa pero hindi malalim.
"Nasugatan ka ng karayom???"
tanong ko.
Yumuko siya kaunti,aalalayan ko sana siya ng hinawi niya ang kamay ko.
"Kaya kong maglakad pabalik. Tsss! Hahaha! Hindi ako matatalo sa ganitong paraan lang Terence. Kung babala ito,hindi ako natatakot"
Bulong niya. Tumayo siya dahan-dahan. Pinagpapawisan siya at nakakunot ang noo niya.
"Tulungan kaya kita!" sabi ko
"Hindi! Kaya ko pa."
"So ibig mong sabihin hihingi ka lang ng tulong pagmamamatay ka na? Ganoon? Ha?"Tapos bigla siyang tumingin sa akin at binigyan ako ng ngiti na parang ang ibig sabihin niya sa ngiting iyon eh nagaalala ka sa akin? At parang kinikilig pa siya.
"Ss-sige sabi mo eh kaya mo! Bahala ka sa buhay mo!"
Nauna na ako naglakad at narinig kong tumawa siya. At sumunod siya. Pero pinapakiramdaman ko pa rin siya kung kaya niya pa.
Pagkadating doon sa mansion humingi na ako ng tulong sa mga guwardiya.
"Ang anak ni lord Leonel ay inatake! Tulungan niyo siya!"
May 2 guard na dumating at inalalayan si Kendrich. Dumating agad si Leonel.
"Ano nangyari?" nagaalala siya base sa tono ng boses niya.
"May karayom na lumipad patungo sa direksyon namin kanina. Niligatas niya ako. Patawad. Dahil sa akin nalason siya"
"Wag kang magsorry. Hindi ikaw ang punterya nila. Si Kendrich talaga. Alam nilang pagaatakihin ka ay ililigtas ka ni Kendrich kumbaga paen o bait ka lang kanina...""May pangalan siyang sinabi kanina. Terence daw.. Sino siya?"
"Siya ang gustong umagaw sa Black Blood Crest. Ang pinsan niya,pamangkin ko"
"Hindi ka ba pwedeng makialam. Patayin mo na si Terence."
"Ayon sa batas ay hindi pwede. Sila-sila lang ang maglalaban..... Bisitahin mo doon si Kendrich sa kwarto niya. Tatawagin ko ang doctor"
"Opo!"Pumunta ako sa kwarto ni Kendrich. At nakahiga siya sa kama. Nakapikit lang siya,halatang hirap na siyang huminga at pawis na pawis sya.
-
(A/N:Gravy!! Try to imagine si Hyunseung mala wet look XD waaaaah ang gwapo niyaaaauuu!! XD )"Sorry talaga Kendrich!"
"Ok lang ako"Nabigla ako ng sumagot siya. Akala ko malala na kalagayan niya.
"Kaya mo pa?"
"Oo,pero malala na kalagayan ko. Hindi na ako...makahinga. Hah!! Tsss! Hah!""Dibale,parating na yung doctor"
"Victoria---"
" Wag ka ng magsalita! Magpahinga ka lang"Tapos binigyan niya ulit ako ng ngiting nagsasabing nagaalala ka sa akin?
"Maiwan na kita... Pinatingin ka lang sa akin ng ama mo"
Palabas na ako ng may sinabi pa siya.
"Hindi pa ako mamamatay. Haha!" sabi niya.
Binuksan ko muna yung pinto bago magsalita.
"Alam ko Kendrich" tapos lumabas na ako at sinara yung pinto.
Bumalik ako sa kwarto at sinilip yung garden. May napansin ako kakaiba doon.
"Wala na yung rosas na hinawakan ko.. May kumuha?"
Napatitig lang ako sandali at lumabas ulit ng kwarto.
*****
Parehas din ng araw. Habang nakaupo ako sa kama at nakatalikod sa bintana. Pakiramdam ko may nagmamatyag sa akin. Pero ng nilingon ko ay wala naman. Kakaiba talaga ang pakiramdam ko ngayong araw.
*****
(Third person's POV)"Master Terence,saan ko po ilalagay itong nagiisang rosas?"
Tanong ni Samuel.
"Dahil sa espesyal yan,gusto ko ilagay mo iyan sa napakagandang vase. Hindi! Sa simple na lang para mangibabaw ang kagandahan nito..."
"Masusunod po.............. Nailagay ko na po"
"Akin na,ilalagay ko dito sa mesa ko."
Inayos ni Samuel ang suot niyang eyeglasses tsaka nagsalita
"Iyan po ba yung rosas na hinawakan ni Miss Victoria?"
"Bakit? May problema ka ba doon?" He said coldly.
"Hindi po Master. Naitanong ko lang po"
"Hm...Oo ito nga. Pakisabi sa iba nating kasama at katulong na ako.. AKO lang ang pwedeng humawak at gumalaw dito. Maliwanag?""Opo Master Terence. Sasabihin ko na po *bow,out*"
Pagkalabas ni Samuel. Tinitigan ni Terence ang rose at bahagyang ngumiti.
To be continued....
BINABASA MO ANG
Ms. Akuma
VampireWarm to Cold.. Sudden changes of personality.. Normal life to Dangered life.. Human to Vampire.. How did it all happen?? Do you want to know? Then read this story of action,romance and supernatural