(Victoria's POV)
Wala pa rin sina daddy at Oliver saan kaya sila nagpunta. Hindi pa rin sila bumabalik!
Knock knock...
"Victoria?"
Si Kendrich iyon.
"Bakit Kendrich?"
"Hindi ka pa ba lalabas ng kwarto mo? May gusto sanang sabihin sa atin si Commander Willard."
"Ganoon ba? Sige lalabas na ako. Hintayin niyo na lang ako sa sala."
"O sige."
Bago ako lumabas, tumingin ako salamin at tinignan ang sarili ko.
"Parang.... Hindi naman siguro..."
Bigla kasi akong nakaramdam ng panlalamig sa palad at talampakan ko. Nakaramdam kasi ako ng kaba. Pero baka iniisip ko lang kaya ako nagkakaganito.
Kaagad na akong pumunta sa sala at nandoon nga silang dalawa.
"So, ano ang pag-uusapan o sasabihin?" bungad ko.
"Gusto ko sanang magsagawa tayo ng plano. Mas mabuti kung may plano tayo para sa darating na laban." Sabi ni Commander Willard
"Uhm,paano kung wala tayong magawang plano hanggang sa dumating ang oras?"
Tanong ni Kendrich."Hindi ko naman sinabi na hindi maganda pag walang plano. Ang sabi ko ay MAS mabuti kung may plano."
Paglilinaw niya.
"Ah,oo nga naman." sabi ni Kendrich
"Paano na ang plano kung gayon?" tanong ko
"Gusto ko sanang maghanda ng 12,000 na kawal. Sapat na kaya iyon?........Tsss.. Sa tingin ko hindi, dagdagan ng 500."
Commander Willard"Ang unang 6,250 ang unang lalaban tapos susunod na yung iba pa pag sumenyas na ako." dagdag niya pa
"Pero..paano kung mas madami ang unang mga kawal na ipapasugod ni Terence?"
tanong ko habang kumukuha ng silya para aking maupuan."Victoria, hindi palagi sa dami nasusukat ang lakas ng isang grupo. Minsan sa kakayahan at diskarte din." Commander Willard.
"Oo,tama nga naman iyon. May tiwala ako sa mga kawal natin. Alam kong hindi nagkulang ang ama sa pagpapaensayo sa kanila."
Sabi ni Kendrich at tumingin siya sa amin ni Commander Willard.
Pero hindi pa rin mawala sa isip ko sina Daddy at Oliver. Nasaan na kaya sila? Dapat tumulong muna ako kina Kendrich, kailangan ko na magpokus, kailangan talaga.
"Kanina, naka usap ko na yung 12,000 kawal na siguradong isasali ko na. Mamaya na lang siguro yung 500 pa."
Commander Willard"Sige. Ilagay natin sa unang pila sina......." Kendrich
Nag-uusap silang dalawa doon. Ako, nakaupo lang at nakikinig. Talagang hindi ko magawang magpokus.
Tumatango na lang ako kapag may sina-suggest sila. Hindi pa ako mapakali dito, galaw ako ng galaw.
Nang medyo kumportable na ako sa aking pwesto. Napansin ko na bigla silang tumahimik.
Magtatanong na sana ako, nang may isang pintig ng puso ko na sobrang lakas! Na akala ko eh lalabas na ito."!!!! A-ano yon?"tanong ko. Biglang tumingin ang dalawa sa akin.
"H-hoy!" sabi ko. Bigla-bigla na tumayo si Commander Willard at nagmamadali.
BINABASA MO ANG
Ms. Akuma
VampireWarm to Cold.. Sudden changes of personality.. Normal life to Dangered life.. Human to Vampire.. How did it all happen?? Do you want to know? Then read this story of action,romance and supernatural