CHAPTER 14
Nasa cr ako ngayon at sinisisi ang sarili ko! Kung tumama lang yon kanina, baka hindi kami natalo! Napaka bobo ko! Kahit kailan!
"Sigurado ako nakita yon ni Dad" paano naman niya hindi makikita yon e nasa harap mismo niya nangyari?
Dapat kase isang point nalang namin yon 24-23 ang kaso nung ako na ang mag iispike biglang lumagpas sa linya, kaya nakapag bigay ng isang puntos sa CH kaya naging 24-24 at doon na nag simula ang dalawang sunod na points nila 24-26.
Hindi pa man tapos ang buong laban pero... ang laki ng chance na matalo pa kami?! kung naka score lang ako doon 2-0 na set win namin at malaki ang chance na manalo kami? Hindi tulad ngayon na... na fifty fifty na ang laban.
"Hey it's ok" biglang sulpot ni Kian. "Meron pang dalawang tatlong set at mapapanalo natin yon" haplos niya pa sa pisngi ko. "Tumayo ka na diyan" inalok niya ang kamay niya at siya namang tinangap ko
"Kasalan ko yon" naalala ko nanaman kung papaano ko binato ang bola.
"It's ok, lahat naman nagkakamali kaya ok lang yan... bawi tayo sa next set ok?" aniya sabay halik sa labi ko.
"Ayaw ko ng mag laro, baka matalo nanaman tayo"
"No, mag lalaro ka ok? 1-1 palang ang laban" paalala niya. "Goodluck baby" nginitian ako ng napaka tamis at ayon na napaka ngiti niya na rin ako.
This is my first time na nagkaganon. Lalo na ngayong finals pa talaga?! Kaya dapat lang akong sisihin don. Nakakahiya ng lumabas dahil baka kung anong sabihin ng mga ka school mates ko.
Paglabas ko ng cr ay biglang tumakbo papalapit saakin si Mom kaya na bigla ako.
"Are you ok?" ramdam ko ang pag-aalala niya. Pilit ako ngumiti at tumango wala na ata akong lakas na mag salita dahil sa pagod.
"Alis na ako Mom" hinila ko sa braso si Kian at nagpaalam pa siya kay Mom.
"Bakit hindi mo siya kinausap?"
"Ayaw ko silang kausap, wala ako sa mood" malakas na bumuga ng hangin.
Nakarating na kami sa bench at nagsimula na ang laro, "Sorry Coach"
"It's ok, alam ko namang wala ka sa mood dahil sa nangyayari ngayon. I understand pahinga ka muna" pilit akong ngumiti at tsaka umupo, well hindi ko naman masisisi si Coach kung bakit niya ako pinagpahinga.
"Kian palitan mo si Ley" utos ni Coach na agad sinunod ni Kian.
18-12 ang laban. Lamang sila, ako lang talaga ang nagpatalo sa second set. Napabuntong hininga ako tsaka napasandal sa sandalan.
"Axel!" rinig kong tawag ni Angelic.
"Andito pala kayo?" tanong ko sakanila.
"Actually kakadating lang namin, nag mall pa kame kaya ayon natagalan" kibit balikat niya. Tumingin siya sa scoreboard at napataas ang kilay niya, "Natalo kayo ng isang set?"
"Yeah, dahil saakin" napayuko ako sa kahihiyan.
"It's ok, isa lang naman at staka 1-1 naman ang laban" nguso niya sa scoreboard.
"Ano bang nangyari?" singit ni Ela.
"Masyadong napaka lakas yung spike ko kaya lumabas sa line, kaya ayon nag tie yung score 24-24 then yon sunod-sunod na yung score nila hanggang sa mag 24-26" mahabang paliwanag ko.
"Ouch Pain, hindi ba nagalit si Coach, masungit yan si Coach" bulong ni Nicole.
"What did you say?" napatayo si Nicole ng marinig ni Coach ang sinabi niya.
