CHAPTER 20

106 7 0
                                    

CHAPTER 20

Hindi ko alam kung ilang oras na akong nakatitig sa dagat, nandito kase ako ngayon sa balcony ng kwarto nakaupo sa mahabang upuan. Basta ang alam ko ay papasikat na ang araw, may unting liwanag na nga.

"Axel" tawag saakin ni Drew. "Hindi ka pa natutulog?" tanong niya.

"Wala akong ganang matulog" sagot ko. Eto nanaman ang luha ko, tutulo nanaman. Kapag kase hihiga ako nakakaramdam ako ng lungkot, hindi na ako sanay ng hindi ko siya katabi.

"Axel, I'm sorry" hingi nanaman niya ng tawad. Mula kase kanina ay sinisisi niya na sana hindi na niya ako pinayagang sumama sakanya para hindi ko makita ang nangyari. "I'm really sorry" sumandal siya sa harang sa balcony at pinakrus ang kamay sa dibdib.

"Hindi mo naman kasalan, hindi ka naman si Kian" pabalang ko sakanya.

"Stop being sarcastic Axel" suway niya.

"Sinasabi ko lang naman kung ano ang totoo, hindi ka naman si Kian kaya hindi mo kasalanan" sarkastikong pagkasabi ko.

Rinig ko pa siyang napabuntong hininga at tsaka bumalik sa loob. Hindi man lang ako nakaramdam ng antok, paano ako masasanay? Masasanay na hindi ko na siya kasama sa pagtulog at pag gising ko, paano?

"Here" liningon ko si Drew na naglapag ng isang tasang kape. "Drink" turo niya pa.

"Ayoko ng kape, gusto ko beer" sarkastiko kong sabi.

"Axel please.." nawawalan na siya ng pasensya saakin. "Wag ka nang makulit, please" muli ay napabuntong-hininga muli siya tsaka niya ako iniwan.

Dahil nga malapit lang ang room ni Drew kay Kian ay nakita ko si Kian na pumunta sa balcony ng Room niya. Nakatingin lang si Kian sa dagat at mukhang nabugbog dahil siguro sa suntok ko.

Agad akong umiwas ng tingin at kunwaring may ginagawa sa cellphone ko nang tumingin siya saakin, ganon nalang ang gulat niya.

"Babe" mahinang tawag niya pero rinig ko pa naman yon. "Babe" ang boses ni Kian ay parang nakawawa ng husto, parang anong oras ay babagsak na siya.

Nang muli niya akong tawagin ay pumasok nalang sa loob. Hindi ko kayang ganon si Kian, nanghihina ako.

Nilagay ko sa lababo ang tasang pinagkapehan ko, hindi paman ubos ang kape ay dali-dali kong hinugasan. Dahil wala naman akong ginagawa at ayaw kong mabagot ay naglinis nalang ako ng buong Room ni Drew.

Eleven na ng matapos akong maglinis at sakto ay dumating si Drew na gulat na gulat.

"Bakit naglinis ka?" taka siyang tumingin saakin. "Sipag ah" ngisi pa aniya.

"Wala akong magawa eh, anong magagawa ko?" ang gulo.

"Tsh"

"Anong gusto mong pagkain? Ako mag luluto" suhestiyon ko.

"Nah no" iling pa niya. "Ako ang mag luluto" turo niya sa upuan at tsaka ako inutusan na maupo. "Sit and relax" agad ko siyang sinunod at nanahimik.

Binigyan niya muna ako ng juice at tinapay para hindi ako lalong magutom habang hinihintay siya.

Maybe 45 or 60 minutes na akong nakaupo dito at doon lang din siya natapos.

Dahil nga nasa beach kami malamang ang hinanda niya ay seafood. Hipon na ewan ko ang luto, hindi naman ako kumakain ng hipon, allergic ako sa hipon.

"Ahm.." hindi ko naman pwedeng sayangin ang hinanda niya tsaka mukang masarap, sayang ang pinaghirapan niya.

BL SERIES 1: AXEL MORGANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon