CHAPTER 18

134 7 0
                                    

CHAPTER 18

Ginising ako ni Kian ng alas tres ng hapon, hindi narin ako nakapag shower kanina dahil sa ginawa niya. Pinauna na niya ako sa banyo dahil kailangan niyang mag ayos ng dadalhin niyang gamit.

Nang makapasok sa banyo ay agad na akong naligo, medyo malalate kami kapag hindi kami magmamadali. Oo nga at sariling eroplano ang gagamitin pero nakakahiya naman kung malalate kami, ok sana kung isa saamin ang piloto.

Matapos kong maligo ay nag-ayos naman na ako mukha. Paglabas ko ng banyo ay nag hihintay na siya sa sofa.

Lumapit siya saakin at hinawakan ang mag kabilang pisngi ko. "Your smell.." aniya at inamoy pa ang leeg ko. "Its driving me crazy" aniya at kinagat ang leeg ko.

"M-maligo..." hindi ko kayang makapag salita! Dahil sa ginagawa niya!

Napakapit ako sa braso niya dahil hindi lang kagat ang ginagawa niya kung hindi pati narin ang kamay niya ay saan-saan na napupunta.

"B-babe..." pagtawag ko.

"Hmm?" hindi parin niya ako pinapansin at pinag papatuloy parin ang ginagawa.

"S-stop, maligo... K-kana" nasabi ko din ng buo! Kahit na ang hirap.

"Mamaya duon tayo sa private bedroom, tapos doon natin ituloy " patungkol niya sa private room sa private jet, at duon daw namin ipagpapatuloy?! Wtf.

Napalunok ako ng makapasok na siya banyo, kahit kailan talaga hindi siya magpapaawat, kahit saan at kailan basta makaraos lang? Wtf.

Nang maupo sa upuan at humarap salamin ay kitang-kita na hindi nako nakakapag skin care. Matagal na pala nung huli kong gamit, ngayon nalang ulit ako makakapag skin care.

Nang makalabas siya sa banyo ay tapos nadin ako, napatalon ako sa gulat ng makitang niisang pangtakip sa katawan ay wala?! Hindi niya ba naiisip na merong tao?

"Ang dugyot mo" tumalikod ako sakanya at kuwaring may inaayos sa bag ko. "A-alam mo namang nandito ako.." naramdaman kong lumapit siya saakin at ganon nalang ang kagat ko sa labi ko. "Lumayo ka saakin" nang makaharap sakanya ay agad ko siyang tinulak.

"Ayan ka nanaman, pulos ka dugyutan ang alam mo!" kinuha ko na ang bag ko sabay takbo palabas ng kwarto ng kumag.

Nang makababa ay wala na ata sila Tita at umalis na, kasi nga ang tahimik. Dumeretso ako sa McLaren P1 niya na naka parking sa labas ng gate. Nang makapasok siya ay agad niya akong dinampian ng halik at bigla akong namula, it's just a soft kiss! Ganon na ba ako kadaling kiligin?

Habang nag mamaneho si Kian ay hindi niya pinapakawalan ang isang kamay ko, at tanging isang kamay lang ang nakahawak sa manibela at paminsan-minsan ay hinahalikan yon, ngumingiti pa. Ganon nanaman ang pamumula ko, kaya agad akong tumingin sa bintana para hindi niya ako makita.

"Wag kang lalapit sa sinomang babae tsaka lalaki sa beach, ok?" agad akong napatingin sakanya.

"Bakit?" Hindi siya nakasagot at palihim na kinakagat ang ibabang labi niya.

"Basta"

"Sige lalayo ako, pero sabihin mo muna ang dahilan?" hamon ko sakanya.

"Mag seselos ako" pagamin niya at ganon nanaman uminit ang pisngi ko. "Kaya wag lang lalapit, hindi ko macontrol sarili ko kapag nag seselos" dagdag niya.

"Syempre.. hindi karin dapat lumapit sa iba" bulong ko, ewan ko kung narinig niya pa yon. "Mag seselos din ako" wala siyang narinig sa sinabi ko at nakafocus lang sa magmamaneho.

BL SERIES 1: AXEL MORGANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon