CHAPTER 11
NADATNAN ko si Manang na nag va-vacuum sa sala. Tahimik ang buong mansiyon at ramdam ko na ang walang tao bukod saakin kay Manang at kay Manong na nasa labas."Hi Manang"
"Ay nandiyan ka na pala hijo" ngumiti ako tsaka umupo sa sofa at tumingala, "Anong gusto mong miryenda? ipaghahain kita at alam kong gutom ka"
"Kahit ano na lang po manang"
Hindi ko na narinig si Manang na nag salita kaya ang alam ko ay pumunta na siya sa kusina pero ng tumayo ako ay nandoon parin siya sa harapan ko at nakatingin saakin.
"M-manang bakit nandito ka parin?" utal na sabi ko.
"Hindi nanaman sila pumunta?" hindi na ako nag salita at tumango nalang, "Hayaan mo meron namang magandang nang-yari kung bakit hindi sila pumunta.." hindi niya pinatapos ang sasabihin niya at nagdadalawang isip pa ata kung itutuloy niya.
"Ano po yon?" mabagal na pag-kasabi ko.
"Hintayin mo na lang sila hijo" nakangiting ani ni Manang.
"S-sige po"
Matapos akong hatiran ni Manang ng pagkain sa kwarto ay nag-shower muna ako at nakaramdam na ako nang paglalagkit ng ilang parte ng katawan ko.
Matapos kong kainin ang meryenda at halos nakakain na ako ng hapunan ay hindi parin sila dumadating kaya napag-desisyonan ko nang matulog.
KINABUKASAN ay nagising ako ng alas tres ng umaga at agad na akong bumangon. Bumaba muna ako deretso sa kusina at si Manang lang ang nandoon nag-hahain ng breakfast.
"Ay buti at gising kana.. halika ka na dito at kumain ka na" ani ni Manang.
"Asan sila Dad?" tanong ko ng maka-upo sa upuan.
"Hindi pa sila umuwi, pero ang sabi nila kagabi ay tutuloy muna sila sa condo ninyo" paliwanag ni Manang.
Hindi na ako mag-tataka kung hanggang Friday ay wala sila para suppportahan ako sa laro ko.
Ilang beses ako napa buntong-hininga sa naisip ko. Hanggang sa matapos ko ang kinakain, makabalik sa kwarto ay wala akong gana at panay ang buntong-hininga.
Ganon ba kalaki ang naging kasalanan ko? at ganito ang galit nila saakin?
"Hey ok lang?" pagkababa ko palang ng hagdan ay bumungad na saakin si Kian.
"A-anong ginagawa ko dito?"
"Sinusundo ka" ani niya, "Tsaka si Manang na mismo nag sabi na sunduin kita" dagdag niya.
Tutal wala naman akong license at wala namang kotse na available ngayon dahil ginamit lahat nila Dad at Kuya kaya no choice makikisabay ako sakanya.
"Akin na bag mo"
Wala sa sarili kong binigay ang bag ko tsaka sumunod sakanya.
Mula pag-pasok ng kotse ay pinagbuksan niya ako ng pinto hanggang sa bumaba ako. "Akin na yan, ako nag mag bibitbit" kuha ko sa bag ko at hindi naman na siya umangal.
Tatlo palang ang nakikita na nandito dahil sa sobrang aga. Si Cyander, Ryan at si Xy. Agad na kumunot ang noo ko ng makitang patawa-tawa at pangiti-ngiti si Cyander habang nag t-type sa cellphone niya.
"Anong nang-yayari sayo at pangiti-ngiti ka ah?"
"W-wala" ani niya at dali-daling tinago ang phone niya.
