CHAPTER 21

87 7 0
                                    

CHAPTER 21

Alas otso na ng umaga at hanggang ngayon ay hindi ako dinatnan ng antok, at hanggang ngayon ay nag rereview parin ako. Sayang ang oras na nasasayang kaya nagreview ako.

May mga pagkain naman akong nakuha kanina at madami din ang kinuha kaya siguro ok na to sa buong araw, ang kaso nga lang puro chips.

Habang nagbabasa ay may biglang kumatok sa pintuan, "Axel" tawag ni Greg.

"B-bakit?" utal ko.

"Can you open the door?" aniya pero hindi ako kumibo.

"H-hindi pwede, nag-aayos ako" palusot ko.

"Tutulungan kita"

"Wag na ok lang, umalis ka nalang" wala na akong narinig na salita pa sakanya, maybe umalis na.

Pinagpatuloy ko ang pagbabasa hanggang maghapon, nakalimutan ko na mag lunch pero hindi naman ako nagugutom kaya pumunta ako sa kama para umidlip.

Para akong pinagsakan ng langit at lupa, para bang pasanpasan ko ang problema ng mundo.

Hindi talaga ako makatulog kapag hindi ako nagiisip ng kung ano-ano, for example kung ano ang magiging future ko, kung sino mapapangasawa ko, pero ngayon parang iba iniisip ko magiging buhay namin ni Kian kahit na madaming ayaw sa ganon.

Hindi ko na namalayang nakatulog na pala ako at nagtuloy-tuloy lang ang mga iniimagine ko about saamin ni Kian.

"Axel..." nagising nalang ako ng bigla akong gisingin ni Manang.

"Bakit Manang?" pipikit-pikit pa akong tumingin sakanya.

"Alas dose na, hindi ka parin kumakain?" aniya. "Pinagalitan ka nanaman?" patuloy niya.

"Masama bang magpakasaya sa araw ko Manang?" tanong ko sakanya habang pigil na umiyak. "Kahit sa birthday ko lang Manang magkaroon ako ng kalayaan" hindi ko na napigilan at tumulo na ang luha ko.

"Ilang araw nalang makakaalis ka na dito sa puder ng Mommy mo" aniya. "Tara samahan kitang kumain, hindi pa ako kumakain at hinihintay kita" aniya at mahinang napatawa.

Habang pababa kami ay nakita ko na kakalabas palang nila. "Alam ko, na ayaw niya na lumabas ka, kaya hinintay kong umalis sila" aniya habang nilalagyan ako ng pagkain sa plato ko.

Habang kumakain kami ni Manang ay bigla siyang tumayo at pumuntang ref at bumalik. "Dumating si Kian kanina dito, pinabibigay niya" aniya at biglang ngumiti. "Tinago ko yan at baka makita ni Daddy mo at bigla niyang ipatapon" aniya at muling kumain.

Tinignan ko pa itong saglit at muling bumalik sa pagkain. Pulos chocolate ang laman non anong akala niya? Ganon lang yon? Sa ganon paraan niya ako susuyuin? Asa. Syempre dapat may kasamang kiss, Hehehe.

Sa totoo lang namimiss ko na siya, pero kailangan natin tiisin mag pasuyo muna tayo, aba ang galing naman niya matapos niya akong saktan? Ano chocolate lang katapat ko? Dapat may kiss.

"Anong binubulong-bulong mo diyan?" bigla tanong ni Manang. Nagtaka naman ako sa sinabi ni Manang, pagkakatanda ko wala naman akong sinasabi. "Anong kiss na sinasabi mo?" aniya kaya agad akong napatingin sakanya.

"W-wala naman akong sinasabi Manang" bulong ko.

"Ayaw mo ba yang chocolate? At kiss ang gusto mo?" ani ni Manang sabay laki ng mata saakin.

"Manang.." hindi ako makapaniwala na bakit niya nalaman yon?? "Wala naman akong sinabi.." bulong ko pa.

"Ang sabi mo pa nga namimiss mo siya" patuloy niya. "Tapos.. ano na nga ulit yon? Magpapasuyo ka muna?" hindi na ako makapaniwala Manang?! "HAHAHA bumubulong ka kanina kaya ko narinig" tawa niya pa at tsaka kinuha ang mga platong ginamit namin.

BL SERIES 1: AXEL MORGANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon