CHAPTER 15
Pagkalabas ko palang ng shower room ay agad na bumungad si Kian.
"Uwi na tayo" aniya.
"Bakit?"
"Sabi ni Coach, yung gusto ng umuwi, umuwi na daw" kibit balikat niya pa at tsaka na niya hinawakan ang kamay ko. "Tara na"
"Inaantok ako" sino ba kaseng hindi mapapagod pagkatapos ng laro.
"Matutulog ka sa tabi ko, pagkauwi naten"
Hindi ko alam kung bigla-bigla nalang ako mamumula at ngingiti sa mga paganyan, umiwas ako ng tingin ng nakita niya akong nakangiti.
"Ganon ka lang pala pakiligin" bulong niya tsaka na niya ako tuluyang hinila paakyat sa hagdan hanggang sa makarating sa room.
Bigla nalang akong napatalon sa gulat ng halos nagiingayan sa room. At ganon na lang din ang gulat ko ng makitang sobrang pagpigil ni Cyander. Ang kamao niyang sobrang gigil na gigil.
Anong nangyari?
"Anong nangyari?" tanong ko kay Russel na nasa upuan ko.
"Ewan ko, halos lahat kami kakarating lang tas nadatnan namin si Cyander hawak yung kwelyo ni Daniel" turo niya pa kay Daniel na nasa tabi ni Angelic.
Napabuntong hininga kaming pareho ni Kian. Alam ko naman na ang dahilan, yan din ang napapansin ko sa dalawa noon pa.
Pero bakit? Bakit hindi pa rin napansin ni Angelic na mahal siya ni Cyander? Bakit ba ang bulag ni Angelic? At bakit ko ba iniisip yon Pero ang akala ko sila ni Paulhine? Pero bakit... Nag bago?
Noon pa man ay gusto na ni Daniel si Angelic pero bigla niyang nagustuhan si Paulhine. Ako man dati naguluhan sa bwesit na Daniel na to. Ang gulo!
Tapatigil ako sa pagiisip ng mag salita si Kian. "Let's go?" yaya niya saakin at hinawakan na niya ang kamay ko.
"Hoy ano yan" nakita ni Russel ang kamay namin na mag kahawak.
Agad kong binitawan ang kamay ni Kian. "Saan?" utal ko pang sabi.
"Nako, Axel akala mo hindi ko nakita yon? Kitang-kita ng dalawa kong mata" turo niya sa dalawang mata. "Huh hindi niyo ako mauuto, ano meron sainyo?" napalunok ako at nagiwas ng tingin. Kasalan mo to Kian!
"Wala" ako na ang sumagot at naglakad paalis. Humanda ka Kian.
"Axel!" tawag niya saakin. "Axel" muling tawag niya saakin ng makalapit, "Babe" bulong niya ng makalapit.
"Ano!" hindi ko na napigilan ang galit ko, "Hindi ka ba makapag hintay? Talagang sa harapan niya? Bulag ka kaba?" sunod-sunod kong tanong sakanya.
"No" bulong niya na may halong pagka utal.
"Hindi mo alam na gusto ka niya! Tas ihaharap mo pa sakanya yung ginawa mo?" wala namang tao ngayon dito sa tabi ng guard house kaya walang makakakita saamin na nag-aaway.
"Wala naman akong magagawa kung wala akong gusto sakanya... Ikaw lang naman ang gusto ko, wala na siyang magagawa don" pilit niya at siya pa talaga ang may ganang magyabang.
"Ewan ko sayo" inagawa ko ang bag ko sa kamay niya at naglakad papalayo sakanya.
Hindi ko narinig ang pagtawag niya saakin kaya nagpatuloy lang ako sa paglalakad.
