CHAPTER 9

165 11 0
                                    

A/N: If nakulangan kayo sa CHAPTER 8 ng BL SERIES punta kayo sa LPSM CHAPTER 1 ko at duon may part don si Kian at Axel. Thank you for waiting my update love you all.

CHAPTER 9

UNKNOWN NUMBER:

I LOVE YOU AXEL

Anak ng...

Kailan ba to titigil sa pag me-message saakin ng ganto. Mula kanina ay puro ganyan na ang message niya saakin, it almost 85 message niya nang ulit yan.

Ewan ko kung kailan ko na bang palitan ang sim ko, pero. Nandito kase yung number ni Greg at..ayaw kong mawala saakin to. Baka malang araw tawagan niya ako. I miss him so much, because of me Greg is still missing.

"Axel? Right?" singit ng isang naka jersey at katulad ito ng nga tiga CH. Hinead to toe ko siya, maporma, may itsura, matangkad, pero lahat ng yan ay mas panalo ako. Tinaasan ko ng kilay at ngumisi lang naman siya at umalis na.

Ewan ko ba kung bakit bigla-biglang aalis ni hindi ko pa nasasagot yung tanong niya. Nagulat ako ng bigla ko nang katabi si Kian.

"Sino yon, crush ka ba niya? Crush mo naman?" walang hintong pag-kakasabi niya, salubong na kilay agad ang bumungad sa aking mga mata at kita ang galit niya mga mata.

"Answer me" gigil na sabi niya at naka tingin lang ng deretso sa aakin pero nawala lang ang tingin niya ng tawagin siya ni Cyander, "Sumama ka saakin" agad niyang kinuha ang kanang kamay ko at basta-bastang hinila palabas ng gymnasium.

"Bitawan mo nga ako" pilit kong binabawi ang kamay ko saakanya pero talagang mas hinihigpitan niya pa ang pag-hawak.

"Ayokong dumikit-dikit yon sayo maliwanag?" tsaka niya lang ako binitawan ng nasa room kami.

"Ano bang kaseng problema mo?"

"Ang problema ko yung lalaking yon!" pasigaw niyang sabi.

"Tumigal nga kayo!" sigaw ni Cyander na nakapag-patahimik kay Kian, tinignan niya pa kami bago bumalik sa ginagawa niya.

"Dito ka lang sa tabi ko, maliwanag?" aniya at naglakad na papunta kay Cyander para tulungan siya.

Anak ng..

Matapos makuha ni Cyander ang dapat niyang kunin ay umalis na kami, pero talagang hindi ako pinakawalan ni Kian. Hindi ako maka-alis dahil akbay niya ako at naka sakal ang kamay na naka-akbay saakin. Mas malakas siya saaking dahil medyo payat ako

"Anong pangalan ng bwesit na yon?" ayaan nanaman, halos kanina niya pa yan tinatanong saakin.

"Hindi ko nga alam" iritableng pag-kasabi ko, "Paulit-ulit ka!"

"Tsk, dito ka lang saakin, maliwanag?" may magagawa pa ba ako kapag sinabi ko ayoko? halos hindi nga ako makawala sa akbay mo bwesit ka.

Napa-buntong hininga ako dahil sa inis, dahil sa bwesit na taong to. Bakit nga ba niya ginagawa to?. Tanong na biglang dumapo sa isipan ko.

"Bakit mo ba ginagawa to?" seryoso ko siyang tinignan diretso sa mga mata, "Bakit? Gusto mo ba ako?" hindi ko alam kung saan ko nahanap yung salitang yon, ni hindi ko alam kung bakit biglang lumabas yon sa bibig ko.

"Oo" seryoso niya akong tinignan sa mata, hindi ko namalayang wala kami sa gym at tsaka ko na lang nalaman na nasa likuran kami ng isang building. Sinandal niya ako sa pader at hinarang ang kamay niya sa magkabila at unti-unting inilapit ang labi niya sa labi ko.

BL SERIES 1: AXEL MORGANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon