SPECIAL CHAPTER

41 3 0
                                    

SPECIAL CHAPTER

PAG UWI na pag uwi namin ay inilapag ko ang medalyang nakuha ko at itinanggal ang toga sa'kin at inilagay sa lamesa katabi ng sofa.

Dali-daling umakyat sa pangalawang palapag at dumeretso sa kwarto at pabagsak na humiga sa kama. "Hindi ko alam kung bakit ganto ang buhay na binigay saakin" hinayaan kong tumulo ang luha ko at unti-unting naka tulog.

Pag gising ko ala-una na ng hapon kaya bumaba na ako dahil nakaramdam ako ng gutom.

Pagbaba ko walang tao sa kusina at sa living area kaya kumuha nalang ako ng pwedeng pagkain at nakita ko niluto ni Manang na Minudo at Kaldereta, bumalik ako sa kwarto at doon kumain.

Pababa na sana ako sa hagdan ng may narinig akong naguusap. "Isasama ko siya sa US" sabi ni tito sa cellphone habang naka upo at mukhang stress na stress siya sa kausap niya. "Sobra sobra na ang panahon na ibinigay ko sayo, oras ko naman makasama siya!" pasigaw niyang sabi at tsaka pinatau ang cellphone.

Bumaba na ako at deretso sa kusina at mukhang hindi niya ako pansin. Nag hugas lang ako ng mga ginamit ko at tsaka bumalik sa living area pero hindi ko na nakita don si tito mukhang umalis na.

Gabi na ng bumaba ako sa kwarto at wala paring tao, "Hello" tinig ni Kian sa cellphone. "Labas ka" utos niya. Dali dali akong lumabas ng bahay at nakita ko siyang naka sandal sa Ford Ranger niyang sasakyan. "Are you ok?" bungad niya saakin.

"Yeah"

Napa buntong hininga siya bago ipagbuksan ang pinto sa harap, "Sakay" utos niya.

"Saan tayo pupunta?" tanong ko sakaniya pero hindi niya ako sinagot at bigla nalang niya akong binuhat paloob.

"Where going on a date" ngisi niya.

"Hindi pa ako naliligo!"

"Sa bahay ka nalang maligo"

Makarating kami sa bahay nila nakita ko sila tita at tito na nag aasikaso, pupunta kase sila sa graduation party na inihanda nila sa isang resort na hindi ko alam kung saan.

"Wag kang mag alala hindi tayo pupunta sa party" bulong niya. "Mag dadate tayo na walang kasama" dagdag niya pa.

Kasama kase sa party sila mom at dad, ayaw ko muna silang makita i think I need some time to myself. Panigurado ipagmamalaki niya si kuya, wantusawang papuri and then sa'kin? Wantusawang pagpapahiya, tsaka wala ng bago don sanay na ako.

Matapos namin mag ayos at magdala ng mga gamit ay bumaba na kami at nakita namin sila tita na papaalis na din, nagpaalam muna sila samin at tsaka umalis. Samantalang umalis na din kami ni Kian at hindi ko alam kung saan pupunta at dahil sa dami naming dalang gamit alam kong magtatagal kami sa pupuntahan namin.

Ang tagal ng byahe parang walang katapusan, nagpatutog nalang ako ng kanta ng The Weekend at tsaka tumingin sa labas.

"San ba talaga tayo pupunta?" basag ko sa katahimikan.

"Dadate nga tayo" sagot nita at tsaka hinawakan ang left hand sabay tingin saakin. Napabuntong hininga nalang ako at sinubukang matulog.

BL SERIES 1: AXEL MORGANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon