CHAPTER 17
"I told you, wag kang aalis sa tabi ko" ani ni Kian ng makapasok ng room.
"Sorry naman, nakalimutan ko" umupo na ako sa upuan, at sinandal ang ulo ko sa balikat niya. "Nahihilo ako" bulong ko sakanya.
"Uuwi tayo pagkatapos ng ceremony para makapag pahinga ka bago flight mamaya" ani niya.
"Tabi ka saakin, pwede?" gusto ko ng yakap niya, gusto ko araw-araw kayakap siya. "Gusto kitang mayakap, kaso makikita nila tayo" bulong ko sakanya.
"Ayaw mo bang sabihin sakanila?" ani niya.
"Para saan?" balik ko ng tanong.
"Para.."
"Para?"
"Para hindi ka na nahihirapan itago, alam kong nahihirapan ka"
Totoo naman, mahirap ding itago pero ayaw ko pang sabihin sakanila. Baka isang linggo lang ang makalipas hindi na niya mahal ayaw ko namang mangyari yon. Nakakahiya!
Hindi mo naman alam kung kailan mawawala yung nararamdam mo, lahat yon may hangganan.
"Baka kase kung kailan ko sasabihin sakanila bigla mo nalang akong iiwan" hindi ko alam kung bakit ko naiisip ito ngayon.
"Hindi pa ba sapat yung pinapakita ko sayo?" tanong niya at umiling ako.
"Ok na yon"
Hindi na siya nag salita at nanahimik nalang, dahil nga inaantok ako ay tuluyan na akong nakatulog sa balikat niya.
Gusto ko din namang sabihin sa lahat, kaso nga lang baka hindi na niya ako ganon kamahal. Kaso paano kung iwan niya ako dahil sa ayaw kong sabihin sa lahat? Paano kung yun nga ang dahilan?
Hindi pa man ako nakakatagal sa pagtulog ay kinalabit ako ni Kian, "Hmm?" kamot ko pa sa mata ko.
"Bakit kapag pag dadarating ang birthday mo, lagi ka nalang ganyan? I mean, yung katulad niyan" turo niya pa saakin, "Kung ano-ano ang iniisip" dagdag niya.
"Ewan ko" pansin ko din yon. Katulad lang dati.
"Wag mo ng isipin yon, hindi kita iiwan" aniya tsaka ako dinampian ng halik, ganon nalang ako nanigas. "Don't worry wala sila, si Angelic lang" turo niya at nakita ko nga si Angelic na nakatalikod saamin at mukhang iniintindi niya parin yung papel.
Palihim kong nilasahan ko ang parte ng labi ko na hinalikan niya. Ganon nalang ang pagkabigla ko ng makita niya ang ginawa ko!
"Did you like it?"
Hindi na ako sumagot at dali-daling hinalikan ang labi niya. Hindi man lang nag tagal ay agad ding naghiwalay dahil nga pumasok si Drew at na busy sa pag tatype sa cellphone.
"Ikaw kase" paninisi ko sakanya.
"Yeah Its my fault" aniya.
"Hindi pa kayo kakain?" tanong ni Angelic. "11:50 na oh" dagdag niya.
"Susunod na kami" sagot ko at nauna na si Angelic.
Inayos ko ang damit ko na nagusot ng unti at lumabas na din kami. Rinig ko pang mahinang napatawa si Kian, alam kong tinatawanan niya ako dahil doon.
Nang makapasok sa canteen ay agad akong pinaupo ni Kian at siya na daw ang mag oorder, hindi naman na ako pumalag dahil ayaw kong tumayo sa napaka habang pila.

BINABASA MO ANG
BL SERIES 1: AXEL MORGAN
Roman pour AdolescentsBL SERIES 1: Axel Morgan Kiss Of Midnight