CHAPTER 23

95 4 0
                                        

CHAPTER 23

Pagsapit ng alas otso ay umalis na si Greg, hindi na siya kakain dito baka magalit yung halimaw este si Dad.

Matapos naming maghapunan ay ako na ang nag presentang maghugas dahil may work pa si Tito kahit alas otso na ng gabi.

Pagtapos ko sa mga hugasin ay saktong paalis na si Tito, binilinan niya pa akong isara lahat ng pinto at bintana at baka may pumasok na kung sino.

"Axel tumawag ka saakin kapag may darating na tao dito, ok?"

Tumango nalang ako bilang sagot.

Hindi paman nakakasakay si Tito ay tumunog ang doorbell. Agad ko naman yung pinuntahan at unti-unting sinilip, baka kase si Dad yon dilikado na. Sasakyan lang pala ni Kian.

Agad niya akong hinila papuntang sasakyan niya sabay utos saakin na pumasok. "Pumasok ka diyan." turo niya pa sa sasakyan niya.

"At bakit naman?" medyo may galit ang boses ko. Sino ba namang hindi magagalit hihilain ka ng wala sa oras.

"Sino yung lalaking yon?" tanong niya at mas lalong pang nagsalubong ang kilay niya sa galit.

"Ano bang problema mo?" tanong ko at tinangal ang kamay niya sa kamay ko.

Ilang segundo muna siyang tumahimik at ng kumalma ay nagsalita na ng mahinhin. "Ang problema ko nakikipag landian ka sa lalaking yon" bulong niya, tsaka dahan-dahan akong niyakap. "Hindi mo na ako mahal?" nagulat ako sa kilos niya! Parang hindi to si Kian!

Medyo kinilig ako ng bahagya pero may halong inis sa sinabi niyang 'nakikipag landian' ako? Kanino? Kay Tito? Seryoso?

Unti-unti niya ng tinangal ang pagyakap at muling nagsalubong ang kilay niya. "Sugar daddy mo ba yon?"

Napatitig lang ako sakanya at hindi ko alam ang isasagot ko! Medyo pigil din ako ng tawa. Seryoso? Sugar daddy?. Kalaunan ay nakaisip ako ng idea kung papaano ko sasagutin ang tanong niya.

"Oo, sugar daddy ko siya" taas noo kong sagot.

Pigil na pigil na akong hindi tumawa sa reaction niya. Hindi na maipinta, may halong galit na merong inis.

"Pwede mo naman akong maging sugar daddy, bakit sa matanda pa?" inis na inis na talaga siya dahil yung kamao niya handa ng manuntok HAHA.

"Tanga ka ba? Malamang sugar daddy eh, may nakita kabang mas batang tinatawag na sugar daddy?" hindi ko ba alam kung paanong naging with honor to.

"Pwede naman ako!" sigaw niya. "Pwede naman kase ako, bakit sa sobrang tanda pa!" aniya at mas lalong nilakasan ang boses niya.

"Manahimik ka nga baka marinig ka" takip ko sa bibig niya. Inirapan niya pa ako tsaka tinangal ang kamay ko sa bibig niya.

Nakita ko si Tito lumabas ng gate at tinignan niya kaming pareho ni Kian. "Ok lang kayo? Ang lakas ng boses niyo baka magalit mga tao, gabi na pumasok kana Axel" agad kong sinunod si Tito at binuksan ang malaking gate, nakalimutan ko aalis nga pala siya.

"Umalis ka na dito" utos ko kay Kian pero hindi siya umalis at sumandal lang sa kotse niya. "May dadaang sasakyan" tsaka lang siya sumakay ng kotse niya, ang akala ko ay aalis na siya pero tinabi niya lang ang sasakyan niya sa gilid at muling sumandal sa kotse niya nakapamulsa pa.

Huminto si Tito sa gilid ko at tumingi  saakin na may halong pangiinis. "Sino yon?" tanong niya.

"Boyfriend niya po" sulpot ni Kian sabay ngiti, gulat na tumingin saakin si Tito.

BL SERIES 1: AXEL MORGANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon