CHAPTER 22
Alas dose ng hating gabi ay hinintay kong kumatok ng kwarto si Manang pero wala parin kaya nag hintay pa akong ng kaunti, paglipas ng tatlong oras ay tsaka lang kumatok si Manang
"Manang" tawag ko sakanya ng papasukin ko siya.
"Sorry ngayon lang ako nakapasok dahil kakaalis lang ng Daddy mo" hingi niya ng tawad.
"Ok lang Manang, may binili naman akong inumin kanina tsaka unting snacks" tatlong chips at tatlong mineral water lang ang binili ko kaya kulang na kulang saakin.
"Bumaba kana para makakain ka, bubuksan ko lang yung tubig at ilaw mo" sabay kaming bumaba ni Manang at siya ay umiba ng daan patungong labas para ion ang switch ng tubig ko at ng ilaw.
Pagbalik ni Manang ay saktong luto na ang niluluto niya pangumagahan na namin to, anong oras naman na. 3:50 na!
"Nakatulog ka ba?" tanong ni Manang habang nagsasantok ng kanin.
"Opo Manang" mahinang sagot ko.
"Pasensya na Axel at ngayon lang kase umalis ang Daddy mo" hingi niya ng tawad.
"Hindi mo naman kasalanan Manang, ok lang" mahinang tugon ko ulit.
Habang kumakain kami ay napaisip ako kung bakit ba hanggang ngayon ay galit na galit saakin si Daddy? Nakabalik naman na si Greg, ano pa bang problema?
"Manang may alam ka ba kung bakit ngayon galit saakin si Dad?" seryoso akong tumingin kay Manang at mukhang hindi niya rin alam.
"Onting panahon nalang Axel, kaunti nalang" inilahad niya pa sa daliri niya tsaka ngumiti.
Nauna akong matapos kay Manang kaya bumalik na ako sa kwarto at nag charge muna ng cellphone at tsaka kumuha ng damit sabay punta sa banyo.
Ano nanaman kaya ang mangyayari mamaya paguwi ko? Papalayasin na kaya ako? Onti nalang kase pagtabuyan ako sa bahay.
4:15 ng matapos akong maligo at bumaba ako ng mga bandang 5:10 na at nakasalubong ko si Kuya sa hagdan. "Kumain kana?" tanong niya at hindi manlang nagulat.
"Oo" sagot ko.
"Gamitin mo yung sasakyan mo, gift ko sayo yon" aniya at inabot saakin ang susi.
"Pinagbawalan ako ni Dad, tsaka hindi ko naman pera pinangbili ko diyan" binalik ko sa kamay niya susi at nagmadaling bumaba.
"Manang alis na po ako" paalam ko kay Manang.
"Axel sandali!" tawag ni Manang. "Oh heto may nagpapabigay sayo" inabot niya saakin ang dalawang atm card.
"Kung kay Mom galing to Manang hindi ko tatanggapin" binalik ko sa kamay ni Manang ang atm card pero binalik naman niya sa kamay ko.
"Hindi galing sakanya yan, kay Tito Felix mo" aniya.
"Eh Manang pang ilang beses na to, hindi ko na matatangap yan" binalik ko ulit sa kamay niya at naglakad paalis.
Lagi nalang niya akong binibigyan ng pera tapos ang lalaki pa ng halaga, hindi ko na kayang tanggapin pa yon dalawang black card pa naman.
Papalabas ako ng village ng biglang may humarang sa harapan ko. Magarang kotse Lamborghini ang sasakyan.
"Bakit naglalakad ka?" akala ko na kung sino si Tito Felix lang pala. "Pasok" binuksan niya ang isang kotse niya kaya pumasok ako.
"Ayaw kase akong pagamitin ni Dad ng kotseng bigay saakin ni Kuya" kwento ko. "Halos ipagdamot na nga niya saakin yung buong bahay saakin, tinanggalan niya ako ng tubig at ilaw kagabi" dagdag ko.