CHAPTER 16
Hinihintay kong tawagin nila akong bumababa para kumain pero parang nakalimutan nila. Habang hinihintay ko kay nag papatugtog ako ng kanta at naka full volume at nag linis na rin ng kwarto. Alam ko namang dito matutulog ang kumag na yon at hindi titigil yon hangat hindi niya niya ako nakakatabi sa pagtulog.
"Axel" agad akong napatingin sa speaker ko at nakita ko si Greg na pinahinaan "Hey, are you mad?" tanong niya.
Sinong hindi magagalit? Hindi ka niyaya sa paginom, ngayon na ngalang iinom ang tao ipagbabawal pa.
"Axel bumababa ka na, kakain na" aniya at tumango lang ako bilang sagot. "Gusto mo ba talagang uminom?" sa tanong niyang iyon ay agad akong lumabas ng kwarto. Rinig ko pa siyang nagsalita pero hindi ko narinig yon.
Nakita ko sila Kian, Cyander, Ryan, Xy, Drew pati na rin si Daniel umiinom na sila at nanonood ng movie. Dahil busy sila kaya hindi ko na sila inabala at dumeretso nalang sa dinning area.
Hindi man lang nag-aya. Mag aaya nga kung kailan tapos na sila. Agad ko namang tinapos ang pagkain ko tsaka pumuntang sala.
"Hindi ka pwedeng uminom" bungad ni Greg.
"Bakit naman?"
"Basta ayaw kong uminom ka, walang ng pero-pero basta bawal" wala na talaga akong nagawa kung hindi tumabi kay Kian at nanood nalang.
Habang sila ay umiinom ay ako naman ay kumakain ng mani tsaka nanonood. Kwentuhan at tawanan ang ginagawa pa nila.
Nakakailan pa lang sila ng inom pero parang lasing na si Kian?! Weak. Buti nalang at hindi siya nag sasalita at nakikitawa lang. Pero yung isang kamay niya ay kung saan saan na napupunta, kung hindi sa bewang ay sa kamay ko. At mukhang malapit nang makatulog.
"Lasing ka na agad?" tanong ko sakanya at umiling siya. "Tigil mo na yan, lasing ka na" tinangal ko ang baso sa kamay niya at inalalayang tumayo. "Akyat ko na to" agaw ko ng pansin sakanila.
"Bakit?" ani ni Xy na lasing na din.
"Dito lang yan.." sabi naman ni Ryan. "Hindi pa yan lashing" dagdag niya.
"Pero ikaw oo" sabi ko at umiling pa.
Tulad ng sabi ko ay hinatid ko siya sa isang guest room sa pinaka dulo. Nang makapasok kami sa room ay niyakap niya ako sa leeg at ipinatong ang ulo niya sa balikat ko.
"Babe.." mahinang tawag niya. Sa ganon kasimpleng pag tawag niya pa lang ay hindi ko na maiwasang mapangiti. "..Are you mad?" tanong niya. "I'm sorry.. hindi ko alam na ayaw mong sabihin sa iba" bigla nalang nawala ang ngiti sa labi ko.
Hiniga ko siya sa kamay at umupo sa tabi niya tsaka hinawakan ang kamay. "Syempre gusto ko, kaso.. natatakot ako.. natatakot sa mga masasabi ng iba" paliwanag ko. Sobra gusto ko sabihin sa iba, kaso natatakot ako sa sasabihin ng lahat. Nakakatakot ako.
Tinignan ko siya ng deretso sa napaka amo niyang mukha. Sa gwapong yan? Ikakahiya ko? Syempre hindi, gusto ko ding ipagmalaki na mahal kita, kaso natatakot talaga ako.
Lumabas na ako sa kwarto at pumunta sa kwarto ko at nilock ang pinto. Madaming tao ang magagalit at madaming madidismaya kapag nalaman nila na mahal ko siya.
Paano nalang kung malaman nila? Pagtatawanan kaya ako? Paano kapag nalaman ng nasa school? Alam kong madaming nagkakagusto kay Kian sa school at madaming madidismaya at madami ding magagalit saakin.
Hindi kase tangap ng lipunan ang katulad ko, gusto ko lang naman mag mahal.
Agad nalang tumulo ang luha ko, hindi ko mapigilang mapaisip na kapag nalaman nila. Mas lalo lang akong masasaktan kapag pati si Kian ay idadamay nila.
