CHAPTER 2

304 16 0
                                    

CHAPTER 2

PAG GISING ko ay agad akong bumangon at naghilamos ng sarili at bumaba para mag breakfast. Nakalimutan ko kagabi ang kumain dahil sa sobrang pagod. Sanay naman na ako sa pag practice namin ng sabay pero talagang hindi ko kaya.

Pagkababa ko ng hagdan ay nakasabay ko si Kuya na salubong ang kilay at inirapan niya pa ako. Anong nang-yari don?. Napailing na lang ako at dumeretso sa kusina para mag timpla ng kape. Minsan talaga naiinis na ako kay Kuya wala naman akong ginagawa pero parang ang sama ng loob niya saakin. Pumunta na ako sa lamesa at kumain mag isa.

Sana isang araw maging ok na kami ni Kuya. Natapos ko na ang pagkain at tumaas na para maligo at mag-ayos. Bumaba na ako at dumeretso sa garahe pero pag dating ko ay wala na ang kotse ni Kuya. Nakakainis talaga napaka punyeta ang aga-aga. Napapikit ako ng mariin at huminga ng malalim.

Tinext ko si Kian na kung pwede ang sunduin niya ako. Wala akong sasakyan dahil 17 pa lang ako at hinhintay ko na mag 18 ako para makakuha ng driving license yun ang usapan namin ni Dad. Buti na lang ay papunta pa lang si Kian sa school kaya nasundo niya pa ako.

"Hindi ka ba naiinis sa Kuya mo?" tanong niya habang seryosong nag mamaneho ng sasakyan.

"Naiinis ako pero bawal kong ipakita dahil baka mapatay ako ni Kuya" sabi ko at tumingin sa daan.

"Ang sabi ni Cyander mag pra-practice daw tayo mamaya ng Volleyball at mag ggym tayo para sa Cycling" pag-papaalala niya.

"Mag klase pa ba tayong mga athlete?" tanong ko sa kanya.

"Diba ang sabi ni Coach ay excuse tayo" aniya at tumango na lang ako. Napaka ulyanin ko naman ngayon.

Ilang sandali pa ay nakarating na kami sa school at pinarada na niya agad ang kotse niya. Sabay kaming bumaba at pumasok sa school. Syempre ang ingay nanaman nila dahil andito nanaman kami.

"Malapit na yung birthday mo makakakuha ka na ng license mo" sabi niya.

Oo nga pala sa next month na ang birthday ko. Hayss sa wakas at makakakuha na din ako.

Dumeretso na kami sa gym at nag palit ng jersey. 6 ang jersey number ko at si Kian naman ay 26 tapos si Cyander ay 2, si Ryan ay 11, si Drew ay 5 at si Xy naman ay 10.

Nakapag-palit na kami ng damit at dumeretso na sa bleacher, hinintay namin sila Cyander, Ryan, Xy at Drew at iba pang members. Naunang dumating si Coach at pinagtakbo na agad kami sa Track Field mga limang ikot ang ginawa namin. Naka tatlong ikot na kami ng dumating ang iba at sumabay saamin. Mas nauna kami sa kanila dahil mas nauna kaming nag simula.

Pinagpahinga kami ng 5 minutes at nag simulang mag routine spike, block, serve, at pag re-receive ng bola. Mga 10 am na ng matapos kami sa routine at pinag break ng 30 minutes. Pumunta kami sa canteen para mag snack kasama namin sila Angelic, Ela, Nicole, at Russel at sawakas ay andito na si Paulhine.

Transfer siya na galing Korea, and yes matalino and kaibigan namin. Half si Paulhine Filipana at Chinese. Buti na lang ay kilala ni Coach si Paulhine at alam niyang magaling sa Volleyball at nasali agad siya. Napagkwentuhan namin ang mga nang-yari ng isang taon na nawala siya dito.

"Hoy Pau yung chocolate namin?" sabi ni Nicole at humawak pa sa balikat ni Paulhine at niyugyog.

"Hey stop it" saway niya kay Nicole . Ay englisherist na si Pau.

"Hanep ka Pau Englisherist ka na ngayon ah?" biro ko at tumawa kami.

"Guys please speak tagalog because where here in Philippines" maarteng sabi ni Russel at pinaikot pa ang ilang hibla ng buhok niya gamit ang hintuturo.

BL SERIES 1: AXEL MORGANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon