EPILOGUE

105 4 1
                                        

EPILOGUE

Kinabukasan nagising ako ng may humalik sa noo ko. "Babe gising na" matamis siya ngumiti at tsaka muli akong hinalikan.

Bumangon kaming sabay at din kaming nag hugas ng mukha. Nauna na ako bumaba para tulungan si Manang nagluto siya ng fried rice, sausage, sandwich at tsaka nag prito siya ng saging. Pinag timpla ko naman si Kian at Manang ng kape at sabay kaming kumain.

"Kailan ang graduation niyo Axel?" tanong ni Manang.

"Baka sa Friday po Manang" napatango naman siya at pinagpatuloy na ulit ang pagkain.

Pagtapos kumain ni Kian ay umalis na siya para umuwi dahil wala siyang dalang damit at ako naman ay umakyat na dahil susunduin niya daw ako, hindi na ako nagmatigas dahil wala naman akong masasakyan.

Naghintay lang ako sakanya ng isang minuto at dumating na rin siya kaya maaga kaming nakarating sa school. Pagbaba ko ng kotse at sumalubong saakin si Xy na kakababa lang ng kotse niya.

"Magkasama nanaman kayo" ngisi niya.

"Akala ko kase hindi darating si Manang kaya natulog siya sa bahay ni Tito eh doon ako ngayon natutulog" paliwanag ko sakanya. Napaka issue tsk.

"Comeback na ba?" patuloy niya sa pangiinis saakin.

"Stfu"

Naupo na ako sa upuan ko at tumabi saakin si Greg ng dumating. "Galit ka ba saakin?" hawak niya ng pisngi ko.

"Oo" deretso ko sabay isnab sakanya.

Binitawan na niya ang kamay ko at bumuntong-hininga. Bumalik nalang ako sa pagbabasa hanggang sa dumating ang lahat exam namin. Thanks god at panay 59 at 60 ang mga  nakuha kong score mula umaga hanggang gabi. Dumating ang oras ng uwian at sumakay ulit ako sa kotse ni Kian, dahil nagtatampo ako sa bwesit na Greg na yon, tampo lang hindi naman galit.

Dumaan muna kami sa mansion nila Kian bago kami pumunta sa mansion ni Tito dahil kukuha siya ng damit, dahil last day namin ngayon baka ilang linggo din siyang mag stay kila Tito kasama ako.

Nakarating na kami sa mansion at paalis palang si Manang at inutusan siya ni Dad na bumalik doon dahil kailangan daw siya, halata namang ayaw niya lang ako palapitin kay Manang.

"Kailan pala ang graduation mo Axel?" Tanong ni Manang habang palakad kami sa gate.

"Kahit anong gawin niyo Manang hindi ako pupunta" buntong-hininga ko pa.

"Bakit naman? Graduation mo yon hindi pinapalagpas ang ganon lalo na matalino ka sure ako may award ka" aniya pa.

"Kahit naman mag Valedictorian ako Manang hindi magiging proud saakin si Dad" namumuo nanaman ang inis ko kay Dad.

"Malalaman mo din Axel" aniya. "Osiya alis na ako nandiyan na si Winston tanda" sabay kaming napatawa ni Manang sa biro niya kay Winston driver ni Dad.

Hinintay ko munang makalayo sila Manang bago ako pumasok at nilock ang pinto.

"So dalawa nalang tayo..." kagat niya pa sa labi niya. "Baby" yakap niya sa bewang ko at humalik sa pisngi.

"Ano bang gusto mo?" matapang kong hamon sakanya.

"Yabang naman naten master" halik naman niya sa leeg ko.

"Ano? Sabihin mo nang magka alaman na"hamon ko sakanya.

Nabigla ako sa ginawa niya, pumunta siya sa likuran ko at pababa ng pababa ang kamay niya. "K-kian" pigil ko sakanya.

BL SERIES 1: AXEL MORGANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon