CHAPTER 6
NAKAUWI na kami galing sa pag pra-practice, ang lagkit ko na buong katawan ko at pagod narin ako para maligo. Hayyy sana naman bukas cycling ang practice namin. Nakakapagod din naman ang cycling pero talagang mas madali lang talaga ang cycling.
"Axel maligo ka na" bungad saakin ni Kian matapos lumabas ng banyo at lumuob sa walk-in closet.
Wala na akong nagawa at pumasok na sa banyo. Wala pa man akong damit na dila ay naligo na ako, meron namang roba na pwedeng ipang tapis mamaya. Naka tayo lang ako sa shower habang nakapikit at dinadama ang tubig na dumadaloy sa katawan ko.
Nakakapagod talaga buti naman dahil last na namin to at gra-graduate na kami. Matapos kong mag babad sa shower ay kinuha ko na ang roba na naka sampay malapit sa shower at tsaka sinuot sa bewang ko. Matapos kong isuot ang towel na nasa bewang ko ay agad akong pumunta sa sink para mag toothbrush.
"Nakakapagod" agad akong nahiga sa kama at pumikit.
"Hoy hindi kapa kumakain, bumangon ka nga" tinapik niya ako bandang braso ko, "Mag bihis ka muna kung ayaw mong kumain" dagdag niya.
Ilang sandali pa ay nag mulat ng mata at nakatingin lang sa kisame ng kwarto tsaka tumayo at dumeretso na sa walk-in closet. Pag kapasok ko ay agad kong tingal ang roba na nasa bewang ko at kumuha ng damit. Nag-suot ako ng pajama at tsaka lumabas, muli akong nahiga sa kama at madaling tulog.
Naka iglip lang siguro ako dahil nga 30 minutes lang. Narinig ko kase na biglang sumara ang pinto ng padabog kaya ako napa mulat ng wala sa oras.
"Nakakagulat ka naman" pipikit-pikit pa ang mga mata ko, "Pwede naman sigurong dahan-dahan lang diba?" tanong ko sakanya.
"S-sorry" pag-hingi niya ng tawad. Napa iling na lang ako at sinubukan na matulog pero hindi kona maibalik. Haysss bwesitt.
"Hindi na ako makatulog" mahinang sabi ko.
"Sorry nagising kita"
"Wala na akong magagawa eh" naupo ako sa kama at nakatalikod sa kanya. Kinuha ko ang cellphone na nasa side table at lumabas ng kwarto deretso sa balcony.
Nag scroll ako sa ig hanggang sa makita ko ang myday ni Cyander na merong kayumanging papel at ballpen. Ano nanaman kayang gagawin neto?. Napa-iling na lang ako at biglang tumabi saakin si Kian.
"Hey Axel I'm sorry.." patanong ko siyang tinignan at kagat niya ang ibabang labi niya, "Sorry na wala yung antok mo" dagdag niya
"Ok lang naman" mahinang sabi ko at bumaling muli sa cellphone ko.
Ilang sandali pa ay bigla niyang hinawakan ang pisngi ko at hinarap sa kanya at dali-daling hinalikan ako. A-ano b-bakit niya a-ako hinalikan?. Ang halik nato.. Natatandaan ko s-siya... s-siya yung h-humalik.. saakin sa panaginip ko.
Agad ko siyang tinulak at naguguluhan na tumingin sakanya, "B-bakit mo a-ako h-hinalikan?" unang tanong na dapat sagutin.
Imbis na sagutin niya ako ay bigla siyang tumayo at pumasok sa loob. Hayss nakaka-gilabot.. Sana.. Sana panaginip lang to. Sinampal ko ng malakad ang sarili ko. Arayyy. Napapikit ako dahil sobrang lakas ng pag-kakasampal ko sa sarili ko, pero, bakit ganto?, totoo ba talaga yon?.
Napahawak ako sa labi ko at mariing pumikit, ang halik nayon sobrang, hindi, hindi siya masarap dapat kong pandirihan, hindi pwede yon, malaking pag-kakamali. Napa hawak ako sa dalawan at umiling.
Tumayo na ako at naglakad papuntang kama, tumalikod ako mula sa kanya at hindi umimik. Bakit ako pa yung nahihiya, diba dapat siya, kase siya yung humalik?.