CHAPTER 1

478 25 0
                                    

CHAPTER 1

MATAPOS ang dalawang subject ay lunch na at pagkatapos ng Lunch ay practice na. Hayss Impyerno nanaman. Maaga naming natapos ang Lunch at dumeretso na kami sa Gym at pumasok sa locker room.

Nag-palit na kami ng damit at nag pahinga sa bleacher at nag usap tungkol sa practice namin mamaya sa cycling, ilang sandali pa ay dumating na si Coach. At tinanong kami kung kumain ba kami ng mabuti. Pa fall? Joke WAHAHHA. Tinanong din kami kung nag pahinga ba kami at tumango kaming lahat.

Ilang sandali pa ay pinag stretch kami at inikot ang buong court. At nag Spike routine, block routine at pinagpahinga ng 15 minutes. Ilang sandali pa ay pinabalik na kami sa court at nakita namin sila Angelic sa kabilang side na nakaharap saamin. Nginitian ko siya at ngumiti din siya saakin.

"Ok so makakalaban ninyo sila seryosohin ninyo, goodluck" anunsyo ni Coach at siya ang naging referee.

Sa girl nag simula ang bola at si Ela ang tumira. Napunta ang bola kay Xy na nasa likuran mga bandang gitna. At lumapit ang Lebero para siya ang kumuha dahil magkatabi lang sila ni Xy. Tinos ni Xy ang bola at pinapunta niya saakin at tumalon ako ng napaka taas at tinira ang bola sa bandang linya at buti na lang nakapasok sa linya kaya score namin dahil hindi na sinalo ni Nicole dahil ang alam niya ay lalabas ang bola

Sinerve ng kasama namin ang bola papuntang kabila at napunta kay Angelic at nasalo niya ng napaka ayos at tinos naman ni Russel ang bola at biglang pinasa kay Ela at inispike pero na block ng biglang tumalon si Cyander kaya bumalik sa kanila ang bola, nasalo ni Angelic ang bola at muling tinos ni Russel at sa kasama nilang babae ang nag spike, sa pagkakataon na to ay walang nag bantay sa kanya kaya libre niyang tinira ang bola at nasalo naman agad ng lebero namin pero sa ibang direction na punta at hinabol ko pero nahuli ako at bumagsak na sa sahig at hudyat na score ng mga babae.

Mga nakalipas na minuto ay score namin ay 24 at sa babae naman ay 23 last one na lang panalo na kami. Sinerve ni Cyander ang bola ng napaka lakas at nasalo ng napaka ganda ni Angelic. Napaka galing talaga nilang dalawa . at tinos naman ni Russel ang bola at pinasa sa kasama nilang babae at napunta saakin at nasalo ko naman tinos ni Ryan at inispike kaagad ni Cyander ng sobrang bilis halos lahat kami ay nakatunganga lang.

"Boys 25 Girls 23" anunsyo ng score namin, "Boys win score 25" dagdag ni Coach. Nanalo kami sa first set at susunod na ang second set pero nag 10 minutes break muna.

"Napaka lakas non Cyander apaka nice" sabi ni Kian at umiling pa.

"Kaya nga napatunganga ako" sabi ko at nag tawanan kami.

"Sa lakas nating to dapat na tambakan na natin ang girls" umiling pa si Cyander, "Napaka lakas din kase nila" dagdag niya.

"Guys ready na" anunsyo ni Coach.

Pumosisyon na kami ako ay nasa likod ako bandang kaliwa at nasa harap ko si Xy at kasunod naman niya si Kian at sumunod naman sa kanya si Cyander at nasa likod ni Cyander ang isa naming kasama at si Ryan ang nasa tabi ko.

Sinerve ng isa naming kasama ang bola at katulad kanina ay na salo ni Angelic ng napaka ganda ang bola at tinos ni Russel ang bola at inspike naman ni Nicole ang bola at salo ng Lebero namin ng napaka ganda at tinos ni Xy at pinunta saakin kaya naman iispike ko na sana ng makita ko may tatlong naghihintay na iispike ko, syempre inispike ko padin pero sa dulo ng daliri ni Russel ko pinatama at nilakasan ko ang pag palo at lumabas sa linya.

"Score boys 1 girls 0" anunsyo ni sir.

"Sir lumabas po sa linya" sabi ng isang kasama nila.

BL SERIES 1: AXEL MORGANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon