CHAPTER 24
Wala na si Sir ng makapasok ako sa classroom at tahimik lang silang nag rereview.
Bigla akong nilapitan ni Kian ng makita akong papasok ng classroom. "Ayos ka lang?" pagaalala niya.
"Oo"
"Sigurado ka?"
Tumango nalang ako at tsaka naupo sa upuan ko. Nag review nalang ako katulad nila. Habang nag babasa ay tumabi saakin si Kian at nginitian ako.
Pinagpatuloy ko lang ang pagbabasa, alas kwatro na pero wala nanamang teacher, inutos ni Cyander ang President ng class na mag wait kami ng 30 minutes.
Nanahimik nalang ako sa upuan ko at nag picture nalang ako ng almost 5 months na akong hindi nag popost sa Instagram tsaka 10 palang napopost ko kahit myday wala.
Una kong kinuhan ang kamay ko habang hawak ang ballpen na nakalagay notebook ko tapos sunod ang mukha ko, simpleng smile lang ang ginawa ko.
Bigla nalang ako napatingin kay Kian na nakatingin pala saakin. "Bakit?" taas ko ng kilay ko.
Pinag masdan niya muna ang buong mukha ko tsaka ngumiti. "Cute mo" aniya.
Hindi ko nalang siya pinansin at pinagpatuloy nalang ang pag picture at siya naman ay pinagpatuloy ang pagbabasa. Bigla ko nalang siyang picturan sa bandang mata, cute ng mata kapag seryoso makapal pa ang kilay.
Tinignan ko muna ang lahat ng pictures pero tatlo lang ang nagustuhan ko yung mata ni Kian yung picture ko at yung hawak ko yung ballpen.
'🤟' caption sa picture ni Kian. 'I'm fine' naman sa picture ko sa kamay ko na may hawak na ballpen. "痛み" at caption ko sa picture ko.
Sakto at nagpauwi na si Cyander kaya agad kong kinuha ang bag ko at lumabas. Paglabas ko ng gate ay sumalubong si Tito.
"Nabalitaan ko pumunta siya dito?" tanong niya. "Ow sorry hindi ko sinasadyang tanungin ka-" putol ko.
"Ok lang ako, wala naman siyang ginawa" pinagbuksan niya ako ng pinto ng kotse.
"Are you sure?" tanong niya ng makapasok sa kotse.
"Yeah" ngiti ko.
Nagdrive na siya deretso na sa bahay.
"Akala ko aalis ka?" tanong ko.
"Nung nabalitaan ko yung ginawa sayo, bumalik agad ako" sagot niya, "Tsaka sa Batangas lang naman ako pumunta" dagdag niya.
"Nakaka abala na ba ako sayo Tito?" tanong ko muli.
"No, bakit mo naman naisip?"
"Wala lang, baka kase nakaka abala ako sa trabaho mo"
Makarating kami ay agad akong pumunta sa kwarto at nagpalit tsaka bumaba para mag meryenda.
Susubo na sana ako ng sandwich nang biglang may tumawag sa cellphone ko.
Kian <3
"I love you too" bungad niya saakin.
"Bakit ka napatawag" tanong ko.
"Yung post mo sa ig.. nakita ko" ramdam ko na nakangiti to.
"Hindi ikaw yon, wag kang feeling"
"Wala ka ng takas, nahuli na kita mahal mo parin ako" rinig kong tumawa siya. "Waiting sa comeback HAHAHA" aniya tsaka pinatay.
