CHAPTER 12
Bakit kaya?
Bakit kaya kausap nila yung lalaking yon?
"Anong ginagawa mo diyan?" singit ni Kian na kakarating lang galing sa shower room.
"Yung lalaking yon" nguso ko sa lalaking kausap nila.
Sumama ang mukha niya at napa buntong hininga, "Ano naman?"
"Wala lang" iba talaga pakiramdam ko sa lalaking yon.
"Hayaan mo na yan" inakbayan niya ako at tsaka pumasok ng room.
Bakit sila tumatawa? Parang bang ang saya nila?
Nakatahimik lang akong kumain dito sa cafeteria kasama ang Team. May time na tumatawa sila at nakikitawa na lang ako para hindi ako ma out of place.
"Wag mong alalahanin yon" ani ni Kian.
Iba ang turing nila sa lalaking yon kaysa saakin. Masaya sila nung kausap nila yung lalaki yon. Tapos kapag ako ang sungit nila.
Ewan ko parang nag seselos ako sa turing nila sa lalaking yon.
"Bakit parang iba ang turing nila sa lalaking yon kaysa saakin?" bulong ko.
"Malay mo.."
"Na?"
"Malay mo meron silang kailangan sakanya" sagot niya.
Tumayo na kami matapos kumain at pumunta room.
"Ang babaw naman" sabi ko tsaka umupo sa upuan.
"Basta.." bulong niya, "Hayaan mo na lang" umupo siya sa tabi ko.
"Unfair kase" pabulong kong sinabi.
"Bakit naman?"
"Kase iba yung pakikitungo nila sa ibang tao kaysa saakin" bulong ko.
Nung nawala si Greg hindi ko na nakitang ngumiti si Dad saakin, kay Kuya nalang at kay Mom.
"Nung nawala si Greg..wala na.." nagbabanta ng tumulo ang mga luha ko sa mata. Pinatong ko ang ulo ko kay Kian at yumuko para hindi niya makita ang luhang tutulo, "Lagi silang galit saakin, Hindi ko na sila nakikitang ngumiti sa harap ko" dagdag ko.
"Darating ang araw na makikita siya, wag kang mag-alala" ani niya.
Sumapit ang hapon at laro nanaman namin.
AH ang kalaban namin ngayon. AH ang nahuhuli sa line up ng lahat ng school. As of now wala pa silang panalo. Dahil wala naman silang malalakas na player.
Agad naming natambakan ang kalaban sa score na 8-0. Nang muling mag simula ang game ay dinagdagan pa namin ang lamang namin sakanila.
"Mine!" sigaw ko at sabay hampas ng bola.
Pumito ang referee dahil humingi ng breaktime ang AH.
"Nakita niyo ang score niyo?" tanong ni Coach.
"24-11 Coach" sagot namin.
"Isa nalang, isa nalang wag niyo ng patagalin" ani ni Coach, "Understand?!"
"Yes Coach!"
Nang bumalik kami sa gitna ay puwesto na ako. Ako ang mag seserve.
"Asan kaya pwede?" bulong ko sa sarili ko.