Special Chapter

169 6 2
                                    

Special Chapter

Vendre Hadinix Sebastian E. Sallvious

Abala sa pagluluto si Hazrita ng kanilang haponan nang pumasok si Ishta sa loob saka yumakap mula sa likuran niya. Napangiti naman si Rita dahil sa inakto ng anak niya.

Hadrishta took after her father's attitude. She was so sweet to her parents.

"Mommy, ang ganda mo ngayon ah," malambing nitong sabi habang nakayakap pa rin mula sa likuran at sumisilip ito sa niluluto niya.

"Siyempre mana ka sa 'kin." Hazrita replied to her 14 year old daughter.

"My, sabi ni kuya pupunta raw tayo mamaya kina Tita Azura sa sabado?" Tanong ni Ishta habang sumisilip mula sa gilid niya.

"Yes ate why?"

"Are we going to bring foods again? Like last year in Tito Zyk's house?"

"Yep. I'll cook pasta and maybe make mango float as well. Why? Do you want to cook something?" Hazrita knew that her daughter has a heart in the kitchen. And so is her first born. The third child was not into cooking. He's more on cleaning and organizing though he's still eight years old.

"Hmm... I want to cook Menudo del Sellas mommy." nanlalambing nitong suhestiyon sa ina. Menudo del Sellas is the dish that was cooked by Hazrita's late grandmother. Ito ang paborito ng Tatang Sebastian niya noon.

Hazrita and Azura learned to cook this dish then taught their children how to cook this dish. Their cousins' wives were the ones who learned this dish because the boys do not really have acceptable skills in the kitchen except for Rhiose.

"Sure baby. I'll shop for ingredients tomorrow at the market. Wanna come with me and daddy?"

"And you'll make daddy carry all the stuffs?" her daughter laughed making Hazrita chuckle.

Laging si Hadex ang nagbubuhat ng mga pinamili niya sa palengke dahil lagi nitong pinagmamayabang sa kanya ang biceps daw nito at kahit tumatanda na silang mag-asawa, hindi pa rin nawala ang kakulitan ni Hadex.

"Siya naman laging na vo-volunteer nak. Finiflex ng daddy mo muscles niya kahit tumatanda na." She turned off the stove making Ishta withdraw from her hug.

"Kaya nga sumasama siya kay Kuya Nix kapag nag gi-gym sa baba my eh para raw may muscles pa siya at maging kaaya-aya pa raw siya sa paningin mo." Ishta laughed.

"Hay naku ewan ko ba jan sa ama mo Ishta." Napailing na lang si Rita sa kakulitan ng asawa niya. Sanay na siya sa kakulitan nito. Sa araw-araw ba namang ginawa ng Diyos sa loob ng 18 years na kasal sila ni Hadex saulong-saulo na niya ang mga kabaliwan ng asawa niya.

"Wow bango ah!" rinig niyang sabi ni Hadex.

"Pansit ba yun?" tanong ni Nix na kakapasok lang ng kusina habang inaayos ang specs. At a young age, Nix needs to wear eyeglasses because he was really fond of reading.

"Dinner time!" sigaw naman ng pinakapilyong anak nina Hazrita at Hadex. Si Hadex Sebastian. Hades ang tawag nila rito.

"Mommy!" sigaw ulit ni Hades nang makita niya ang mommy. Tumakbo ito sa kanya at mabilis na yumakap sa beywang niya. "Mommy! Hug me! Daddy's after me!"

Radiance in the Mountains (Paraiso Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon