Special Chapter

127 2 0
                                    

The Third Child

"Hadrishta huwag kang umakyat jan anak patay tayo sa mommy mo!" Sigaw ni Hadex sa bunsong anak na umaakyat na naman sa kahoy ng kanilang bakuran.

"Come on daddy it's fun here!" His six-year old daughter squealed. Matigas ang ulo ng anak niya.

"Baby come down please? Your mommy will be mad if she sees you up there." Pananakot niya sa anak.

Sa kanilang dalawa ni Hazrita, siya ang taga konsenti ng mga anak nila.

Ngumisi lang ito sa kanya.

Hadex silently faced palmed. Alam niyang mana sa kanya ang katigasan ng ulo ng mga anak nila. At hindi rin niya kayang pagalitan ang mga anak dahil sobrang mahal niya ang mga ito.

"Uh, daddy, I can't come down?" Nakangiwing sagot ng anak niya kapagkuwan.

Napahilamos siya at umakyat ng puno para mapababa ang anak niyang sing tigas ng bato ang ulo.

"Get daddy's hand baby." Sabi niya at inilahad ang kamay sa anak. Tinanggap naman ito ng anak niya at malapad ang ngiting yumakap sa kanya.

"Everyone, meryenda!" Sigaw ni Hazrita nang makapasok sa likod bahay.

Agad lumaki ang mga mata ng anak nilang si Hadrishta nang marinig ang boses ng ina. Takot kasi ito sa mommy niya. Hindi naman namamalo si Haztita pero ang uri ng pagdidisiplina nito ay kinatatakutan ng mga anak nila.

"Dad, don't tell mom please?" Her eyes were pleading habang bumababa sila ng kahoy.

Hadex looked at his daughter apologetically. "I'm sorry baby, but you see, I'm scared of your mom."

"Yeah mom is pretty scary daddy."

Nang makababa sila, nakapameywang na si Hazrita na tumingin sa kanila. Hadex smiled awkwardly at his wife while Hadrishta bit her lower lip.

"Ishta, didn't I told you to stop climbing trees?" Tanong niya sa anak.

Lumapit naman si Hadrishta sa kanya at yumakap sa mga binti ng ina.

"I'm sorry mommy..."

Hazrita sighed. She knows how hard headed her daughter can be. At kapag galit siya, manlalambing lang ito para malusaw agad ang galit niya. She's like her father. A girl version of her father. Hard-headed but sweet.

Aakmang pagsabihan ni Hazrita ang mag-ama nang may sumigaw mula sa salas.

"I'm home!" Sigaw ng panganay nina Hazrita at Hadex.

Napalingon naman silang tatlo sa bagong dating na si Hadinix na malapad ang ngiti. Dala dala pa nito ang bag galing sa school na inilapag naman nito sa sofa saka tumungo sa kanila.

"Kuya!" Sigaw naman ni Ishta at bumaklas ng yakap sa ina saka tumakbo sa kuya niya.

Napangiti naman si Hazrita dahil agad namang niyakap ng panganay ang bunso. Her kids are close and sweet with each other. Hadinix always treats his baby sister like a princess. And Hadrishta respects her kuya so much. Lagi itong nakikinig sa kuya kapag pinagsasabihan ito.

"Let me pangga..." sabi ng kanyang asawa na ikinabaling niya rito.

She smiled at him saka ibinigay ang tray ng meryenda sa asawa. Nagnakaw naman ng halik ang asawa niya sa mga labi bago siya hinawakan sa beywang at giniya papuntang payag sa hardin.

"Kids come on!" Sabi ni Hadex sa mga anak.

Naglakad na silang mag-asawa patungong payag na nasa loob ng hardin ng bahay nila. They still lived in Hazi's home in Binunsaran.

Radiance in the Mountains (Paraiso Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon