Kabanata 22

158 5 0
                                    

Isang linggo ang nakalipas mula nang malaman namin ang balitang yun at nang makauwi kami, walang honeymoon ang nangyari.

Tulala at walang imik lagi ang drama ni Hadex mula umaga hanggang gabi. Uupo, hihiga, talukbong ng kumot lang ang ginagawa niya.

Nagmimistulang hangin na ako sa tabi niya pero hindi ko pa rin siya iniwan. His meals were still on time kasi pinapakain ko siya sa oras.

At dahil sa pinagdadaanan niya ngayon, pinag indefinite leave kami ni Tatang. Gusto kong alagaan si Hadex. Kailangan niya ng kalinga ngayon.

Gaya ngayon, pagkapasok ko ng kwarto, nakasandal siya sa headboard ng kama at nakapikit ang mga mata.

Naglakad ako papunta sa gilid ng kama at inilapag ang tray ng pagkain niya sa bedside table.

Kinuha ko ang kamay niya saka dumukwang ng halik sa noo niya. "Good morning, pangga."

He opened his eyes at tipid na ngumiti.

"Kain ka na," I smiled widely at him saka kinuha ang kutsara at nilagyan ng pagkain saka tinapat sa bibig niya.

Bumuka naman ang bibig niya saka tinanggap ang pagkain. Mabagal niyang nginuya yun. Hinaplos ko ang mukha niya na ang mga mata ay nakatitig lang sa akin.

Naiintindihan ko ang pinanggalingan niya. Kaya sa abot ng makakaya ko, aalagaan ko siya hindi dahil responsibilidad ko bilang asawa kundi dahil mahal ko siya.

"I love you." Sabi niya.

I smiled at him. "I love you too."

He always says I love you. Yun ang mga katagang hindi niya nakakalimutan araw-araw sa halip ng pinagdadaanan niya ngayon.

Sinuboan ko pa siya hanggang sa umayaw na siya. Pinainom ko rin siya ng tubig bago lumabas ng kwarto at niligpit ang pinagkainan niya.

I sighed when I went out the room. Ako ang nababahala sa kalagayan ni Hadex. Kung patuloy siyang magkakaganyan, hindi ko alam kung saan yan hahantong. Ayaw ko namang magpabisita ng doktor kasi baka isipin niyang iniisip kong baliw na siya.

Busy ako sa paglilinis ng bahay dahil nakagawian ko na lagi to nang tumunog ang cellphone ko.

I picked it out at sinagot ang tawag ng mama ni Hadex.

"Ma."

(Hazri, anak, kumusta kayo jan?)

I call his mother mama kasi yun ang gusto niya.

"Okay naman po kami ma."

(Si Hadex ba okay na?)

Hinugot ko lahat ng lakas ko para makasagot ng tama sa ina niya.

"Okay naman po siya."

(Hazri, manghihingi sana ako ng pabor.)

"Anong pabor po?" I asked.

(Kung pwedi ano, uh, kausapin mo si Hadex try lang naman nak baka magsalita na siya.) His mother sounds hopeful.

Kinabukasan nung nalaman namin ang balitang yun, pumunta rito ang mga magulang ni Hadex kaya lang hindi nila nakausap si Hadex dahil niisa sa amin walang kinikibo. Kahit ako.

"Susubokan ko po pero hindi ko ipipilit kung ayaw niya pa po." Sagot ko.

Ang pinakaayaw ko ay ang pilitin si Hadex sa mga bagay na ayaw niya. Kung ayaw niyang kausapin muna kami, I won't push. Hindi biro ang pinagdadaanan niya ngayon. He is in shell shock.

(Sige nak, salamat.) Sabi ng mama niya sabay baba ng telepono.

I sighed heavily saka tumingala at pumikit ng mariin.

Radiance in the Mountains (Paraiso Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon