From: +639**********
I'm not Hadex.
Sagot nung estrangherong numero.
Napataas ang kilay ko. Talaga?
Ha! Fool everyone but not me. Kilala ko na to pero dahil ayaw kong pangunahan siya, I'll wait for his confession. Maybe he has reasons kung bakit nagtatago pa rin siya.
Malamang takot siya sakin. Kaya sige lang sasabayan ko nalang nalang to.
Kasalukuyan kaming kumakain ni Hadex sa hapag ngayon. He was silent. Hindi siya umiimik at parang hangin lang ako habang ako naman ay hindi mawala-wala sa labi ko ang nakakalokong ngiti.
Paano ba yan Hadex? Nahuli na kita. Pero dahil mabait ako, hihintayin kong ikaw ang umamin. I respect his reasons kung bakit siya nagtatago sa likod ng numerong yun.
He cooked for breakfast. For a man who likes me, he is thoughtful.
"Hadex" I called him.
"Yeah?" He answered without looking at me.
"May problema ba?" I asked him.
He looks bothered and worried.
Umiling lang siya at nagpatuloy sa pagkain. Hmm. Something's up with this guy.
"You sure?"
"Yeah." Tipid na sagot niya.
I just shrugged at nagpatuloy na sa pagkain. Nang matapos ako, hinugasan ko ang pinagkainan ko at tahimik na lumabas ng kusina.
Boung umaga nagkulong ako sa kwarto at hindi rin ako bumaba nang magtanghalian.
And then someone knocked on my door.
"Hazi, kumain ka na." Hadex called.
Hindi ko siya pinansin bagkos nagtalukbong ako ng kumot. Inaantok pa kasi ako.
"Hazi?" Tawag niya ulit.
"Hazrita."
Mamaya na ako kakain.
The moment I closed my eyes, my brain shuts everything and I was asleep.
Nang magising ako, malamig na ang simoy ng hangin mula sa teresa ng kwarto ko at madilim na sa labas.
I looked for the wall clock to check for the time.
6:30 PM
Tagal ko namang natulog ah. My stomach rumbled kaya napagdesisyonan ko ng bumangon at magluto ng pagkain.
I went downstairs. Tahimik ang bahay and there was no signs of Hadex. Baka lumabas siya. Tinungo ko ang kusina at naghanap ng pweding lutuin.
Aakmang magsasaing ako nang nakita kong may note sa ref.
Hazi,
May adobong baboy sa ref. Initin mo nalang yan. May kanin din sa rice cooker. I went out with Ador and Pershik.
Dex
Oh okay. Umalis pala siya kasama sina Ador at Pershik.
Binuksan ko ang ref at nakita kong nakalagay sa isang plastic container ang adobong baboy kaya kinuha ko yun. Honestly, Hadex could really cook.
I took out the lid and placed the container on the counter top. Kumuha rin ako ng kalaha at inilagay yun sa stove. Nang mainit na yun saka ko lang inilagay ang adobo sa kalaha.
I waited for five minutes bago nainit yun at nang matapos na, kinuha ko yun at inilagay sa mangkok. Sumandok din ako ng kanin na sinaing ni Hadex kaninang tanghalian.
BINABASA MO ANG
Radiance in the Mountains (Paraiso Series #1)
RomanceAfter she was humiliated in front of their classmates, Hazrita Lavendeur Chalcedony Ellyas loathed him for a long time. Although she is nice and kind but she is also dangerous when provoked. Her wrath was fierce that even his kind cannot enter her f...