Kabanata 14

189 6 2
                                    

"Ano pangga tara na?" Hadex asked while straddlig his ducati bike.

"Wait lang!"

I was having a hard time straddling my bike dahil napakasikip ng jeans ko ampota.

"Hadex magbibihis nalang talaga ako ang sikip ng jeans ko." I looked at him pouting.

Hindi ko talaga maiangat ang paa ko dahil sa sikip ng jeans. Ilang minuto mula ngayon, puputok na talaga to. Ang laki ko naman kasi.

"Sige pangga. I'll wait for you here." He smiled at sinide stand muna ang ducati niya saka umalis sa pagkakasakay nito.

Mabilis akong umakyat pataas at tinungo ang silid ko. I went inside my walk in closet para maghanap ng pweding masout.

Ayokong magshorts dahil nagmomotor ako. I looked for a jogging pants. Nakita ko nga pero nasa may dirty clothes naman nakalagay. Sinout ko na pala to.

Bumuntong hininga akong lumabas ng kwarto saka tinungo ang kwarto ni Hadex. Maghihiram nalang ako ng jogging pants. Marami kasi sa kanya eh. Nagjojogging pants kapag natutulog. Ang galing.

I went to his closet and looked for it. Binuksan ko yun at bumungad sakin ang iba't-ibang uri ng mga suit, tuxedo, polos, longsleeves na nakahanger sa loob.

Sinarado ko yun dahil wala naman dun ang hinahanap ko. So I opened the drawer below it. Namula ako sa nakita ko. Briefs and boxers lahat naka extra large na size.

"Malaki siya?" I thought.

Nako Hazrita ah! Nagiging mahalay ka na! Stop it!

Makikita ko rin yun. Pilya akong ngumiti bago sinarado ang drawer.

I opened the last drawer at nakita ko na ang pakay ko.

"Waw ang dami naman nito! Mukhang mapapadalas na ang panghihiram ko sa kanya neto." I smiled triumphantly.

The taste of Hadex on shorts and jogging pants caught my attention at gusto ko yun. I admit, I like men's shorts though kasi komportable akong magsout nun.

I took out his gray jogging pants at sinarado ang drawer. Inamoy ko yun at amoy Hadex na Hadex.

Sinout ko yun at bumaba na sa garahe. The moment I stepped in the garage, umiiling si Hadex.

"Hiniram ko muna wala na akong jogging pants eh," malapad ang ngisi ko sa kanya.

Umiiling na natatawa si Hadex sakin bago nagsalita. "My things are also yours pangga."

When he started calling me pangga, my heart instantly melted.

He was wearing a black jogging pants paired with gray Nike muscle shirt and a black and white sneakers. Nagsout din siya ng leather jacket and his helmet is tintedly black.

Habang ako, nakasout ng gray jogging pants sponsored by Hadex of course, white Nike shirt na galing din sa kanya at black and white sneakers. Then I used my denim black jacket and black tinted helmet.

"Pangga let's go na malapit ng mag nine a.m."

"Yeah yeah." I answered and straddled my Ducati bike just like his.

He also straddled his at pinaandar yun. Nagsout kami ng bluetooth na airpods at agad na yung nakakonekta sa phone na nakatawag na agad para mamonitor namin ang isa't-isa habang nagdadrive.

I turned on the engine at pinainit yun at nang pwedi na, I slowly drive papalabas ng gate at ganun din si Hadex.

Nang makalabas na kami, I stopped and pressed the lockdown mode sa bahay.

Radiance in the Mountains (Paraiso Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon