Doctors flee from Sellas Hospital due to salary issue.
"The Dharii News. Dharii Publishing and Printing Press." I scoffed habang binabasa ang headline ng balita sa isang tabloid na dinala ni Ador sa bahay.
Itinapon ko yun pabalik sa coffee table at umirap. "So sinisiraan nga talaga tayo ng higad na yun. Barilin ko nalang kaya siya?"
"Ri, calm down." Azura said habang hinihimas ang tiyan niyang malaki laki na rin who sat beside her husband Pershik na binabasa rin ang news.
"This is libel." Komento ni Pershik saka binalik ang tabloid sa lamesa.
"Yes." Zyk agreed.
I sighed. "Alam nating lahat na hindi salary ang issue rito. Pinirata ang mga doctors natin. Yun ang totoo."
"Natuklasan ko ring hindi lang si Ms. Fidilin ang may pakana nito. May nakaback up na malaking business shark sa kanya kaya malakas ang loob niyang magspread ng fake news." Sabi ni Hadex na hinihilot ang sentido.
Nasa bahay sina Ador, Zyk, Azura at Pershik at pinag-uusapan namin ang tungkol sa nangyari sa hospital. Hindi lang kasi rating ang bumaba, pati ang mga empleyado, nagreresign na rin.
Yung branches sa Cebu, Bohol at Leyte saka Camiguin, yun ang tinumbok nila ng balita buti nalang at naagapan nila agad nung nandun sila ni Ador.
"Shik, kuha tayo pagkain." Aya ni Hadex kay Pershik.
Bumaling naman si Hadex sa akin saka nagtanong. "Anong gustong kainin ng buntis?" Sweet niyang tono saka humalik sa gilid ng noo ko.
"Yung cake ko sabawan mo ng malamig na evap." Sabi ko na ikinatawa nilang lahat.
Napangiwi naman si Hadex saka hinalikan ang noo ko ulit bago tumayo. Sumunod naman si Pershik at pumasok na sila sa loob ng kusina.
"Ang lakas ng amats mo Ri." Natatawang sabi ni Azura. "Buntis din naman ako pero hindi ko pinasabawan ng evap yung cake."
"Masarap eh! Wala namang reklamo si Hadex." Sagot ko sa kanya ba parang bata.
"Wala, kasi takot sayo." Ador chuckled.
"Ikaw din naman ah! Takot ka kay Rhogen."
"Oh awat muna, baka nakakalimotan niyong may problema pa tayo." Azura interjected.
"Oo na." Sabay naming sabi ni Ador.
"Zu, diba marunong kang maghack ng impormasyon?" I asked her. She was an agent before bago nag law school. At dahil agent siya, alam na alam niya paano maghack. She was once a red hat before she retired.
"Madaling maghack pero ayaw ko pang madisbar. So no. Hindi ako ang gagawa nun." Sagot niya saka kinuha ang cellphone at may tinawagan.
"Where are you? Okay." Sabi niya sa tawag saka agad na binaba yun at tumingin sa akin. "Check your cctv. At kung may makita kang babae na nakahilig sa isang motorsiklo, please let her in."
I trust Azura kaya nang icheck ko ang phone at nakitang may babaeng nakahilig sa motorsiklo sa tapat ng bahay ko, pinagbuksan ko siya ng gate.
Familiar.
Kumatok siya sa pintoan nang makapasok siya sa gate. Pinagbuksan naman siya ni Azura saka agad giniya sa salas.
"Everyone," tawag ni Azura sa amin at tamang-tama dahil pabalik na sina Hadex at Pershik.
Umupo si Hadex sa tabi ko saka inilapag sa coffee table ang sinabi kong pagkain at yung merienda nila.
"Sino yan?" Pabulong na tanong ni Hadex.
BINABASA MO ANG
Radiance in the Mountains (Paraiso Series #1)
RomanceAfter she was humiliated in front of their classmates, Hazrita Lavendeur Chalcedony Ellyas loathed him for a long time. Although she is nice and kind but she is also dangerous when provoked. Her wrath was fierce that even his kind cannot enter her f...