Sapphire Levioza's POV
Iniayos ko na ang aking mga gamit para narin makakain na ako, nilapitan ako ng isa sa aking mga kaibigan, si Stephanie hindi sa pagmamayabang pero isa syang magandang babae para bang isa syang anghel na nahulog mula sa langit hindi sya katulad ng iba kong kaklase na puro pagpapaganda lamang ang alam atleast sya ay may talino ding itinatago.
"Sapphire, tara! Kumain na tayo, baka maubusan tayo ng favorite mong menudo" napangiti ako, mayaman si Stephanie pero nakipag kaibigan sya sa may kayang katulad ko, alam na alam nya din ang paborito kong ulam "sandali lang aayusin ko lang ito." tumango naman sya habang hinihintay ako, ng matapos ko na ay tumayo na ako at sumana sakanya palabas.
Narating naming ang Cafetiria at buti na lamang at hindi ganoon kahaba ang pila.
Makalipas ang halos 3 minuto ang paghihintay ay kami na ang oorder, "Isa nga pong kanin at menudo, tsaka po isang baso ng tubig" kaagad namang iniabot saakin ng babae ang inoorder ko, nag abot nadin ako ng bayad na 30 pesos.
Hinanap ko ang upuan kung naasan si Stephanie at nakita ko naman sya na naghihintay na saakin.
"Bakit ayan lang ang binili mo?" Takang tanong ko sakanya, papaano ba naman kasi isang hotdog lang at orange juice diet ba sya? Eh ang payat nya na nga eh.
"Hindi pa naman ako masyadong nagugutom eh, kumain na tayo" napabuntong hininga nalamang ako at kumain.
"Sya nga pala sapphire, balita ko bukas may mag ta-transfer daw dito" basag nya sa katahimikan "mabuti na nga lang at may nakaisip pang mag transfer sa school na ito eh." Dagdag pa nya "maganda naman itong school na ito ah" maganda naman kasi itong school ewan ko lang kung bakit palagi nyang sinasabi na pangit ito.
"Para saakin boring ang school na ito sapphire" hindi na lamang ako umimik dahil wala rin naman ako masasabi
Natapos na kaming kumain kaya naman bumalik na kami sa classroom namin, saktong dumating nadin naman ang prof namin.
"Okay everyone listen. We have a new classmate, please welcome him." Him? Ibig sabihin ba nito lalaki sya?
Kaagad ko naman nilingon si stephanie at nagsalita ng walang nalabas sa bibig 'akala ko ba bukas pa?' Mukang naintindihan naman nito ang aking nais iparating kaya't nagkibit balikat nalamang ito.
"Hi I'm Haze Luvien 18yrs old" maikling pagpapakilala nito sa sarili "okay mr.luvien please sit beside ms.levioza" ah oo nga pala wala akong katabi, ewan ko ba kung bakit ayaw nila tumabi saakin, si stephanie kasi gusto nya tumabi sakin pero nung sinabi nya yun tapos na ang sitting arrangement namin.
Kaagad lumapit ang lalaking Haze daw ang pangalan at naupo sa tabi ko, halatang mabait naman ito at mayaman.... halos talaga lahat sa school na ito ay mayayaman, ako lang yata ang may kaya at pinalad na makapag aral dito.
Nagsimula nang magturo ang prof namin kaya itinuon ko na ang atensyon ko dito.
Uwian na kaya't heto at inaayos ko na ang mga gamit ko. Umalis na lahat ng estudyante, ganon naman sila palagi, nagulat na lamang ako ng biglang mag magsalita sa tabi ko.
BINABASA MO ANG
SAPPHIRE LEVIOZA (THE GIRL WHO HATE'S LOVE)
РазноеSapphire Levioza a 17 yrs old teenager who hate's love. Aaron Enrile a 23 yrs old business man, at the young age ay ipinamana na kaagad sakanya ang kanilang kumpanya, he's a playboy, habulin dahil sa makisig nyang katawan at marangyang buhay Paano...